ITINIGIL NAMAN nito ang sasakyan. Sumilip ako sa labas ng bintana ng kotse at mukhang nasa parking lot kami. Madilim at halos walang tao na makikita. Ang nakakapagtaka lamang ay parang pamilyar ang lugar. “Get down.” Utos sa akin ng driver. “Sino ka muna?” Balik-tanong ko naman. Gusto kong siguraduhin na hindi ako mapapahamak kapag bumaba ako. Base kasi sa observation ko, kapag tumakbo ako ay malaki ang posibilidad na mahabol niya ako kapag tumakbo ako. “Praning ka ba? I was just gone for two days and you’re behaving like an idiot.” He went out of the car at binuksan ang pintuan sa likuran ng sasakyan. Kinuha ang aking sako bag at nagsalitang muli. “Bring it yourself. I am so tired.” Tukoy nito sa aking back pack. “Sir Jaime?!” Bulalas ko ng makita siya sa malapitan. “Who else do

