Hindi ako lumabas ng kwarto kahit na anong tawag sa akin ni Jaime. Ni-lock ko iyon. Tingin ko naman ay hindi ito magtatangkang pumasok ng kwarto lalo pa at nasa ganito akong sitwasyon. Nais ko munang kastiguhin ang aking sarili bago ito harapin. Alam ko naman na naging padalos-dalos ako sa aking ginawa. Walang dapat sisihin kundi ang sarili ko. "Sabihin ko nalang kaya na nagbibiro lamang ako?" Kausap ko sa aking sarili. Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi papayag si Jaime malamang sa malamang. Sa tigas ng bungo ng alaga ko ay hindi iyon makikinig sa rason ko. "Ang tanga mo talaga, Clarissa!" Halos sabunotan ko ang aking sarili. Kung pwede ko lamang irewind ang lahat ng sinabi ko kanina, ginawa ko na. Nakakahiya mang isipin pero wala na akong magagawa pa. Nandito na 'to. Nagpadala

