HINDI AGAD ako nakaalis. Nawili ako sa pakikipag-kwentuhan sa mag-asawa. Hindi ko na rin binalikan pa sa kusina niya si Sir Jaime. He doesn’t want to be bothered anyway. Bahala siyang magngitngit sa galit mag-isa doon. Mas mabuti na rin itong may iba akong nakakausap maliban sa amo para marefresh naman ang utak ko. “So, you were saying, childhood friends kayong tatlo?” Tanong ko sa dalawa. Napag-alaman ko kasi na trio friendship pala sina Jaime, Thea and Chris. Magkasama mula noong mga bata pa lamang hanggang sa lumaki at nag-asawa na ang dalawa. Kaya naman pala aligaga masyado ang amo ko sa pagluluto ng gustong pagkain ni Thea. The girl holds a part in his heart. She is his bestfriend. Silang dalawa ni Chris. “Yes, pero mas close sina Thea at Jaime.” Patuloy na kwento ni Chris. “Yea

