"Bili na po kayo, mura lang po at sariwang-sariwa po ang paninda ko!" Tawag niya sa mga taong pumapasok sa palengke. Nakapwesto siya malapit sa entrance kaya panay ang tawag niya sa mga ito at ng makarami.
"Oh Ecia, ang aga ah." Bati sa kanya ni Aling Rusing. Isa sa mga suki niya.
"Ganito po talaga Aling Rusing ng makarami." Paliwanag niya dito sabay kindat ng matanda.
"Ito talagang batang to, napakasipag. O siya bigyan mo ako ng isang kilong galunggong at isang kilong lapu-lapu at darating si Eros mamaya." Tukoy nito sa panganay na anak na nagta-trabaho sa Maynila bilang isang Real Estate broker.
"Talaga po? Wow naman, kaya pala parang kanina ko pa po napapansin na sobrang saya niyo." Ngiti niya dito na ginantihan naman ng matamis na ngiti ng matanda.
"Aba syempre naman, Ecia, antagal na naming hindi nagkita ng panganay ko."
"Oo nga po eh. Paki-kumusta po ako kay Kuya Eros ha, Aling Rusing!" Sabay abot niya sa dalawang supot na isda na agad namang binayaran ni Aling Rusing.
"Makakarating iha. Kung gusto mo ay doon ka na lang maghapunan at tiyak na miss ka na rin nun!"
"Ay naku marami pong salamat pero marami pa po akong gagawin e."
"Oh siya sige, sasabihin ko na lang na dalawin ka rito bukas at nang maibigay niya ang pasalubong niya para sa'yo."
"Marami po talagang salamat Aling Rusing! Hulog ka talaga ng langit."
Mag-aalas-dos na ng hapon ng maubos ang kanyang mga paninda. Tamang-tama at pupunta siya sa isang kapit-bahay niya na magpapalaba.
"Oh, Ecia, ang galing a. Ang aga pa pero ubos na agad ang paninda natin. Swerte talaga namin sayo bata ka." Bati sa kanya ni Manong Lucio na agad namang iniabot sa kanya ang P200 na sweldo niya sa araw na ito. Magiliw na nagpasalamat siya dito dahil sa sweldo niya na malaki na kesa sa nakasanayang P150.
"Ang laki naman po yata ngayon?" Tanong niya rito sabay kindat pa sa matanda na kung tratuhin siya ay para na ring isang anak.
"Aba syempre, P200 na talaga ang sweldo mo Ecia dahil sa napakasipag mo."
"Salamat po, Tatay Lucio."
Umalis na siya at agad na nagtungo sa kanyang tirahan. Sobrang liit lamang nito kung kaya ay limitado lang ang mga gamit na pwede niyang ilagay sa loob. Tanging ang maliit na kama lang at isang lalagyan ng damit ang inilagay niya. Mabuti na rin kesa walang tirahan at libre pa.
Noong Kapitan pa si Celso Makaumbang ay scholar siya nito kapalit ang pagiging tagapaglinis niya sa bahay nito ay pagtatao niya sa boarding house nito. Pero nang matalo ito at nagpasyang lumipat sa Cebu ay naputol na rin ang scholarship niya pero pinatira naman siya sa lumang bahay ng mga ito at siya ang nagtatao dito habang pinauupahan ang ibang mga kwarto.
Hanggang 3rd year college lang ang natapos niya dahil na rin sa pagkatalo ng dating kapitan. Kung hindi lamang sa pera ay siguradong panalo pa rin ito dahil na rin sa magaling at hindi ito korup na kapitan.
"Oh Ate Ecia, saan na naman ang lakad mo? Kakagaling mo lang sa trabaho ah." Tanong sa kanya ni Elena. Galing sa kabilang bayan pero ngayon ay nangungupahan sa bahay ng dating kapitan dahil na rin sa ito ay nag-aaral sa malapit na skwelahan.
"Ah oo. May mga labahin kase sa kabila eh at sayang naman kung hindi ko tanggapin ang raket diba!" Sagot niya sabay ngiti dito. Mabait ito at dalawang taon rin ang pagitan ng edad nila. 22 na si Eca at 20 naman si Elena na nasa huling taon na sa college.
"Wag mo sanang mamasamain ah. Pero magpahinga ka naman, Ate Ecia. Mahirap na at baka ikaw naman ang magkasakit niyan." Paalala nito. Agad naman siyang lumapit dito at ginulo ang buhok ng dalaga.
"Maraming salamat sa paalala, Elena. Okay lang ako. Kailangan lang talagang kumayod para sa mga pangarap ko. Kaya ikaw, pagbutihin mo ang pag-aaral mo kase ganito rin ang ginagawang sakripisyo ng mga magulang mo doon sa lugar niyo."
"Oo nga ate eh. Kaya nagsisikap talaga ako. Ikaw kayo idol ko." Ngiti nito.
Magaan ang pakiramdam niya sa batang ito. Maliban sa pagiging sweet nito ay hindi rin ito gaya ng ibang mga estudyante na porke nakakapag-aral ay basta-basta na lang ipinagwawalang-bahala ang sakripisyo ng mga magulang.
"Hello po ate Kendi." Bati niya sa mag-ayi ng bahay malapit sa bahay niya.
"Oh andiyan ka na pala, Ecia."
"Ready na po akong harapin ang mga pagsubok dala ng inyong mga labada!" Biro nito sa babae na agad ikinatuwa nito.
"Alam mo, kung nabubuhay pa ang iyong mga magulang ay tiyak na super proud sila sa'yo. Tingnan mo nga at todo kayod ka para makaipon samantalang ang iba diyan sa kanto ay walang ibang ginawa kundi ang magpakalango sa alak." Sermon nito. Agad naman siyang nalungkot pero hindi siya nagpahalata.
"Oo nga po eh. Ganun naman po dapat diba? We need to work for our dreams!" Madamdaming sagot niya.
"Oo at tumigil ka sa kaeenglish mo at baka dumugo ang ilong ko." Tumawa naman siya ng malakas dahil sa sinabi nito.
Venice's POV
Ako nga pala si Venecia Panganiban. 22 years old at multi-talented ayon na rin sa mga taga-rito. Multi-talented kase talented ako sa pagtitinda ng isda, pagwawalis sa kalsada, paglalaba at kung anu-ano pa. Ulila na ako sa edad na labin-tatlo. Namatay ang mama ko noong walong taon pa lang ako at inampon ako ni Lola Pacit. Siya ang nagsilbing ilaw ko noong nadadapa ako at nangungulila sa mga magulang ko. Ang papa ko naman ay hindi ko kilala. Sabi ni mama saken noon ay made in California raw ako. Naging bunga ako ng pagmamahalan nila ni Papa noong nagtatrabaho siya bilang isang maid sa mansion ng mga ito at dahil ayaw ng mga magulang ni papa ang isang katulong katulad ni mama ay pilit nila silang pinaglayo. At ang sobrang sakit sa parteng yon ay noong pinili raw ni papa ang kayamanang makukuha niya kesa ipaglaban si mama.
"Ahhh." Ang sakit ng balakang ko. Naparami ako ng laba ah. Tiningnan ko ang dami ng nilabhan ko at napangiti na lang ako. Ang dami nga.
Sakto namang papasok si Ate Kendi sa labahan na may bitbit na pitsel. "Tamang-tama at tapos na akong maghanda ng snacks natin."
"Ang swerte ko talaga at may snacks pa. Biruin mo, may bayad na, may pagkain pa!" Biro ko sa kanya. Hindi rin ito ang unang beses na naglaba ako sa kanya. Busy kasi siya sa call center kaya hindi na niya nabibigyang oras ang labahin.
"Ganyan talaga kapag masipag ang labandera ko." Ganting biro niya saken. Agad ko namang tinikman ang pagkaing nasa lamesa at bigla akong nagutom. Hindi pa pala ako kumakain.
Busyng-busy ako sa pagkain at hindi ko na namalayan na kanina pa pala titig na titig si Ate Kendi saken. "Bakit po Ate?" tanong ko.
"Ni minsan ba Ecia hindi mo tinangkang hanapin ang papa mo?" Tanong nito at bigla akong natigilan. Hindi naman sa ayaw kong marinig ang anumang tungkol sa papa ko pero hindi ko mapigilan ang masaktan dahil sa pag-aabanduna niya sa akin at sa mama ko.
"Nais ko mang hanapin siya ay hindi ko alam kung paano ko sisimulan ate. Hindi niya pinanindigan si mama noon. Mas pinili niya ang yaman niya ay basta-basta na lang niyang iniwan si mama na wala man lang isang salita. Ayoko pang makita siya." Paliwanag ko sa kanya na agad naman niyang naintindihan at tumango.
"Kaya pala simula pa lang noong una kitang makita ay alam ko na hindi ka pure Filipino. Tingnan mo yang balat mo at napakamestiza. Ang ganda pa ng mata mo at ang ganda mo pa." Sabi niya saken na agad na nagpangiti saken. Kahit sa ganitong paraan ay maramdaman ko na may iniwan si papa sakin. Kahit sa features lang.
"Salamat po ate ah."
"Walang anuman Ecia. Basta pag wala kang pera ay punta ka agad dito. Hindi man kita mapahiram eh pwede naman kitang pakainin." Ngiti nito.
Mabilis akong nakarating sa orphanage pagkatapos kung magpaalam ni ate Kendi. Bitbit ko ngayon ang ilang pirasong papel at lapis para sa mga bata. Sa tuwing bakante ko ay naglalagi ako sa orphanage at nagtuturo sa kanila.
"Nanay Lucia!" Sigaw ko na agad namang nagpalingon kay Sister Lucia na may kausap na dalawang lalaki. Nanay Lucia ang tawag ko sa kanya na naging tawag na rin ng mga bata rito. Napansin ko na parang medyo hapung-hapo siya pero nakangiting kumaway sakin. Lumapit ako at ipinakita ang mga dala ko. "Andyan po ba sila?" Tanong ko na ang tinutukoy ay ang mga bata.
"Oo andoon sa likod at naglalaro, Ecia." Ngiti niya pero hindi iyon umabot sa mata. Nagpatuloy na lang ako sa loob at nakita ko ang mga bata na nakaupo sa mag b****a na para bang may hinihintay.
"Ako ba ang hinihintay niyo?" Sigaw ko sa kanila at biglang umaliwalas ang mga mukha nila ng makita ako.
"Ate" Sigaw nila at agad akong niyakap.
"Kumusta kayo? Miss niyo ba ako?"
"Syempre naman po. Hindi ka pumunta dito kahapon eh." Sabi ni Tamtam na siyag pinakamaliit sa grupo.
"Sorry naman po. Naging busy lang si ate sa mga raket." sabi ko sabay kindat. Sabay naman silang humagikhik.
"Ano po ang dala ninyo?"
"Ah eto ba?" Dahan-dahan kong nilabas ang mga gamit at kitang-kita sa mga mukha nila ang saya ng makitang papel at lapis ang mga ito. Marami-rami rin ang mga bata dito. Dahil sa maliit lang naman ang Adopt A Child Orphanage ay medyo siksikan na rin sila. Wala rin masyadong donors dito kase nga hindi naman ito katulad ng ibang orph na may mga artista o mag mayayaman na tumutulong. Ang mga tao lang rin dito sa bayan ang nagtutulungan para maitaguyod ang mga bata at sa tulong na rin ng mga volunteers na pinangungunahan ni Sister Lucia.
"Salamat ate ah. May bago na naman kaming matutunan ngayon." Tuwang sabi ni Angelo, ang isa sa mga batang inabandona ng mga magulang.
"Walang anuman." Agad kaming pumwesto sa gilid ng mga halaman at nagsimula akong magturo sa mga bata kung paano ang magsulat ng letters at magbilang. Nasa 17 ang studyante ko dahil yung ibang bata ay siyang nag-aalaga sa ibang maliliit na bata. Tulong-tulong kami rito.
"Mga bata iinom lang ako ng tubig sa kusina ha." Paalam ko habang busy silang lahat sa pagkopya ng mga letra sa lumang plywood na siyang nagsisilbing board namin.
"Opo." Chorus nila.
"Pasensya na po talaga kayo Sister at napag-utusan lang po kami ng boss namin. Naayos na rin po ang mga papeles at nabayaran na po ng kalahati ang loteng ito."
Napakunot ang noo ko sa narinig. Maingat akong sumilip sa bakanteng kwarto at kahit na mali ang pakikinig sa usapan ng iba ay pinilit kong makinig dahil parang hindi tama ang kutob ko.
"Paano yan iho at wala kaming malilipatan. Kawawa naman ang mga bata. Orphanage ito at lahat ng mga batang andito ay nangangailangan ng kalinga. Hindi ba pwedeng pakiusapan ang boss niyo?" Pagmamakaawa ni Nanay.
"Sorry po pero 2 weeks lang po talaga ang ibinigay niya para makalipat po kayo."
"Hindi kami makakahanap ng malilipatan sa ganyan kaikling panahon. At isa pa, sinabi sa amin ng may-ari ng loteng ito na libre kami hanggang sa kung saan namin gustong gamitin ang loteng ito basta para sa orphanage."
"Alam po namin yun pero tumawag po ang may-ari sa boss namin at sinabing kailangan niya ng pera sa lalong madaling panahon. Interesado naman po si Sir sa loteng to para patayuan ng isang resthouse lalo na at nasa malapit lang ng dagat." Paliwanag nito.
"Paano na yan?" Parang dinudurog ang puso ko habang pinapanuod si Nanay. Wala siyang magagawa dahil hindi naman ibinigay itong loteng ito sa orphanage.
"Wala na po tayong magagawa."
Dahil sa narinig ko ay hindi ko na napigilan ang pumasok at magsalita. Hindi pwedeng kunin na lang nila basta-basta ang loteng ito at pabayaan ang mga bata. Hindi ako papayag. All my life I wanted to live peacefully at dito ko lang yun naramdaman. Sa tuwing nakakapagpasaya ako ng mga bata ay gumagaan ang pakiramdam ko. And now that they are going to be abondoned with inconsiderate people ay hindi ako papayag.
"Ano ba ang pangalan ng boss niyo?" Tanong ko sa lalaki na agad naman nilang ikinagulat. Maski si Sister Lucia ay hindi nakapagsalita sa gulat.
"Ecia!" Awat sakin ni Sister Lucia.
"Okay lang po ako, Nanay Lucia." Sagot ko habang hindi ko tinatanggal ang tingin ko sa dalawang lalaking kausap ni Nanay. "Hindi ba kayo nakakaintindi ng tagalog? Well, I was inquiring your boss' name."
"Ecia." tawag ni Nanay sa kalmang boses.
"Sumagot kayo!" Sigaw ko sa kanila na ikinagulat nilang dalawa. Nagkatinginan sila sa isa't-isa. Marahil ay hinihingi ang tulong ng bawat isa.
"Hmmm sorry miss pero hindi po namin basta-bastang sasabihin ang pangalan ng boss namin." Paliwanag ng isa.
"At bakit hindi? Anak ba siya ng pinakamayamang tao dito sa mundo at confidential ang bawat detalye ng buhay niya?"
"Relax anak." Hinawakan ni Sister Lucia ang braso ko pero hindi ako nagpaawat.
"Hindi nay eh. Sobrang unfair. Hindi dahil marami silang pera ay pwede na nila tayong paalisin" Sobrang nasasaktan ako ngayon para sa mga bata. Iniwan na nga sila ng mga magulang nila eh mawawalan pa ba naman sila ng tirahan?
"Alam ko pero wala na tayong magagawa." Bulong niya at niyakap ako. Umiyak lang ako sa balikat niya habang nanonood ang dalawang lalaki. Nang mahimasmasan ay muli ko silang hinarap.
"Maawa naman kayo ko. Gusto ko lang kausapin ang boss ninyo. Kung pwedeng magmakaawa sa kanya wag lang niya kaming paalisin. Kawawa ang mga bata. Inabandona sila alam niyo ba yun? Yung iba nanggaling sa pamilyang walang ibang ginawa kundi ang hampasin sila ng kable at kung anu-ano pa. Kung mayaman ang boss niyo ay hindi na niya paalisin ang mga batang ito para lang makapagpatayo ng resthouse. Please maawa kayo." Muli na namang tumulo and luha ko. Hindi ko alam pero parang hapung-hapo ako ngayon. Ilang taon na akong namumuhay mag-isa pero ngayon lang uli ako nakaramdam ng pait at sakit.
Ayokong maramdaman na naman nila ang naramdaman nila noon na inabandona. Saan sila titira? Sino ang mag-aalaga sa kanila? Sigurado akong uuwi na si Sister Lucia sa kanila para sa isang orphanage doon kapag nawala ang AACO.
Nakita kong nagbulung-bulungan ang dalawa bago magsalitang muli.
"Hindi po namin sasabihin ang pangalan ng boss namin ngayon pero babalik kami bukas miss. Tatanungin namin siya kung pwede ba naming sabihin ang pangalan niya sa'yo."
Tumango naman ako ng mahina at maingat na naupo. Parang nawala lahat ang lakas ko dahil sa nalaman ko ngayon.
"Aalis na po kami Sister Lucia. I am so sorry po."
"Salamat rin mga iho at kung pwede naming makausap ang boss niya ay sabihin niyong gusto ko siyang makausap sa lalong madaling panahon."
"Sige po."
"Sorry Sister Lucia." Hinging paumanhin ko sa kanya nang makalabas na ang dalawa.
"Alam ko ang nararamdaman mo, Ecia." Niyakap niya ako at eto na naman ang mga luha kong kanina pa naglalandas sa mukha ko.
"Paano na ngayon, Nay? Paano sila Angelo? Sila Tamtam? Paano na ang mga bata?"
"Magdadasal tayong lahat. Magdadasal tayo."
Mahirap man magpanggap na okay lang ang lahat ay pinilit ko pa ring ngumiti sa harap ng mga bata. Pagkatapos nila akong kulitin kung bakit ang tagal kong nawala ay heto at busy na naman sila sa pagsusulat. Ang iba ay tahimik na naghihintay na mabakante ang ibang lapis dahil na rin sa sampu lang ito.
Lumipas ang mga oras ay nagpasya na akong umalis para sa trabaho ko. Street sweeper ako at may sweldong P100 every night. Hindi na rin masama kesa wala akong ginagawa diba?
Nagpaalam ako kay Sister Lucia at sa iba pang mga volunteers na para bang walang nangyari. Napagpasyahan namin na wag munang sabihin sa mga bata ang nangyari habang hindi pa namin nakakausap ang lalaking bibili ng orphanage.
"Mag-ingat ka anak. Wag mo na munag isipin yun. Gagawa tayo ng paraan. Tutulungan tayo ng Maykapal." Ngiting sabi ni Nanay pero alam ko na ginagawa lang niya ito para hindi ako mag-alala.
Lutang na lutang ang pakiramdam ko, hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tinatawag ng mga kasamahan kong nagwawalis dito sa gilid ng daan.
"Okay ka lang iha?" tanong sakin ng isa sa mga sweepers na hindi ko kilala. Ngayon ko lang kase siya nakita.
"Ah okay lang po ako. Wag po kayong mag-alala." Nginitian ko siya at nagpatuloy na sa pagwawalis ko ng may biglang dumaang itim na kotse sa likod ko at lumipad ang mga papel na kanina pa namin tinipon.
"Ay naku!" Sigaw ni Mang Patring. Ang leader ng grupo namin dito sa west side na sweepers. "Wala namang modo yung isang yun eh. Kitang may naglilinis."
"Hay naku Mang Patring. Mga mayayaman kase kaya walang mga konsiderasyon!" Sabat ni Aling hindi ko alam ang pangalan.
"Balik na naman tayo sa banda doon." Sumunod na lang ako sa kanila at kahit wala ako sa mood ay pinilit kong magtrabaho ng maayos.
"Oh eto na ang sweldo mo sa gabing to, Ecia." Abot sakin ni Mang Patring nang matapos kami sa pwesto ko.
"Maraming salamat po." Umalis ako agad at dumiretso sa bahay para magpahinga. Gusto ko na talagang matulog dahil hapung-hapo ang pakiramdam ko sa ngayon. Medyo masakit rin ang mga mata ko dahil sa kaiiyak kanina.
Mabilis akong naghilamos at nagbihis. Umupo ako sa kama at kahit masakit pa rin sakin ang isipin ang pag-uusap namin kanina ay pinilit kong maging kalma.
Pumikit ako at nagdasal. "Panginoon, wag naman po ngayon. Diba po sabi ko noon, pag yumaman ako ay ako ang bibili ng lupa at bahay para sa mga bata? Diba sabi ko tutulong ako? Eh hindi pa naman po ako mayaman ngayon eh. Walang-wala ako. Yung ipon ko walang-wala sa presyo ng lote. Please naman po tulungan niyo po kami. Para po ito sa mga bata." Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko at hindi ko na napansin na gabing-gabi na pala.
Nagising ako kinaumagahan at agad na naghanda para sa trabaho ko sa palengke at katulad ng nangyari kahapon ay agad na naubos ang mga isdang paninda ko kaya't mabilis akong nakapunta sa orphanage.
"Sister?" Tawag ko sa kanya habang papasok sa bakanteng kwarto kung saan sila nag-usap ng dawalang lalaki kahapon. Saan na kaya sila?
Napakatahimik ng lugar ngayon na para bang walang mga bata na nakatira dito.
Agad kong tinahak ang damuhan papunta sa maliit na hardin kung saan ako nagtuturo sa mga bata at naabutan ko si Sister na may kausap na tatlong lalaki. Namukhaan ko ang dalawa. Sila yung kausap namin kahapon. Pero ang isang lalaking nakasuot ng pantalon at T-Shirt ay hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod ito sakin.
"Sister Lucia?" Tawag ko sa kanya at agad namang lumingon ang dalawang lalaki at si Nanay.
"Oh Iha andyan ka na pala." Ngiting sabi niya sakin at agad akong lumapit at nagmano. Hindi naman natinag ang lalaki at prenteng nakaupo sa lumang upuan. Tiningnan ko ang dalawang lalaki at medyo tumango lang sila na mukhang malungkot o guni-guni ko lang ba yun.
"Opo. Kumusta po?" Tanong ko sa kanya at hindi parin tinitingnan ang lalaki. Masyadong okupado ang isip ko sa mga posibleng mangyari ngayon lalo na't nagbalik ang dalawa. "Magandang hapon." Bati ko sa dalawa at ngumiti. Parang nawala ang kanina'y tense at malungkot na mukha nila.
"How about me? Hindi mo ba ako babatiin?" Nagulat man ay hindi ako nagpahalata nang magsalita ang lalaki. Maingat akong humarap sa kanya at parang natuka ng ahas ng mapagtanto kung gaano siya kagwapo.
It's not that I am drooling over boys okay pero masyado siyang gwapo para sa lugar na gaya nito. Para siyang isang lalaking sobrang yaman.
"Hmm sorry about that. Hi!" Medyo alanganin pa ang ngiti ko pero nang ngumiti si Nanay ay medyo nabunutan ako ng tinik.
"So ikaw ba ang tinutukoy ng dalawang ito na umiyak kahapon?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Sino ba siya? At kung makapagtanong parang ang laking kasalanan ang umiyak.
Sinagot ko lang siya ng isang sarcasmong ngiti.
"Anyway Sister Lucia, isesend na namin mamaya ang kalahati ng bayad namin sa may-ari ng loteng to at matatapos na rin ang deed of sale. Magiging akin na rin ito."
Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Ibig sabihin siya ang bibili at soon-to-be owner ng loteng to? Agad ko siyang hinarap tinaasan ng kilay.
"Sir Ford, baka naman po pwedeng humingi ng allowance? Masyadong mabilis po ang dalawang linggo para makahanap kami ng lugar. Hindi po namin kaya ang mabilisang paglilipat at kailangan pa po naming sabihin ito sa mga bata."
Ayan na naman ang boses ni Nanay na kahapon ay nagpaiya sakin.
"Wala na po akong magagawa Sister Lucia. Kailangan ko po ang loteng to para patayuan ng resthouse ko. I have an occasion this December at kailangan kong matapos ang construction ng resthouse sa lalong madaling panahon." Walang gatol na sabi niya.
"Pakiusap Sir Ford. Para po sa mga bata." Pagmamakaawa ni Nanay. Deja vu. Ito rin ang ginawa niya kahapon ah. Para na namang hinihiwa ang puso ko habang an dalawa ay nakatingin sakin, wari'y hinihintay ang magiging reaksiyon ko.
"My decision is final!" Sabi nito at tumayo na. Nanatiling nakaupo si Nanay sa upuan habang pinupunasan ang mumunting butil ng luha na naglalandas sa mukha niya.
"Ganyan ka ba ka-selfish ha!" Sigaw ko sa kanya at tumigil siya sa paglalakad. Literal naman na nakanganga ang dalawang lalaki dahil sa pagsigaw ko sa boss nila. Wala akong pakialam!
"What?" Tanong niya at ngayon ay nakatingin na sakin.
"Selfish ka!" Ulit ko. Narinig ko ang pagsinghap ni Nanay Lucia at hinawakan ang braso ko. "Ako ang bahala Nay." Bulong ko sa kanya.
"Huh! And why did you say so?" He flashed his sarcastic smile pero hindi ako nagpaawat.
"Ganito ka ba kawalang-konsiderasyon ha!"
"Careful with your words Miss."
"I won't dahil sumosobra ka na! Alam mong orphanage ito and the children need this place pero gusto mo pa ring bilhin. Worse is you want them out with just two weeks? Are you for real?" I laughed at him, mocking him in every possible way I know. Bahala na!
"Ecia.." Bulong sakin ni Nanay.
"Nay, hahayaan na lang ba natin ang mga mayayaman na tapak-tapakan ang mga taong walang kalaban-laban? The kids need this place. This is their haven. This is their security!" I shouted and pointed the conceited guy.
"Did it ever cross your mind na kahit hindi ako ang bibili nito at may ibang taong bibili at bibili ng maliit na loteng to?" Sobrang seryoso ng boses niya and I can see the two other boys look so tense. Sigurado ay natatakot na maoagalitan ng conceited guy na ito.
"But you could've given us enough time!"
"2 weeks is enough!" He shouted back.
"2 weeks in not freaking enough! How can you be so inconsiderate and selfish! Hindi porke mayaman ka eh pwede mo nang kunin ang buhay ng mga mahihirap at mga batang walang mga magulang." Unti-unti nang tumutulo ang mga luha ko. s**t! Not now please.
"The hell I care. Go and pack all their things and let them live in your house or you can give me 1 million pesos and I'll be out!" Sobrang nakakatakot na siya pero hindi ako nagpatinag. No way I will let other people step us down just because of our financial status.
Yumuko ako at patuloy na naglalandas ang mga luha ko. "I don't have a house of my own and we don't have money." Hindi ako sigurado kung narinig niya dahil sa hina ng boses ko. Parang umiikot ang paningin ko at parang matutumba na ako anytime.
Hindi pa pala ako kumakain ng dinner kagabi, breakfast and lunch. Napailing na lang ako.
"Then that's not anymore my problem. I am so sorry Sister but you only have two weeks to prepare at kung andito pa kayo in 2 weeks ay mapipilitan akong paalisin kayo ng pwersahan."
How can this man be this cruel? Tanong ko sa sarili ko. Sobra naman siya. Kung sana ay naging mayaman ako, binili ko na tong noon pa. Kung di sana ay hindi kailangan ng may-ari ang pero ay tiyak na wala kaming problema ngayon.
"Isang buwang Sir Ford. Please." Pakiusap ni Sister Lucia pero hindi ito sumagot. Patuloy rin sa pag-ikot ang paningin ko at dala-dalawa na ang nakikita ko.
"Please Sir. I beg you. Kailangan nila ng matitirhan. Please tulungna niyo naman kami. Wala silang mga magulang at ayokong maranasan nila ang naranasan ko noon na walang bahay na matitirhan at walang mga taong nagmamahal. Please.." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya. Luluhod ako sa kanya kung maaari. "Please.." Luluhod na sana ako ng biglang umitim ang paningin ko.