"What?" Jayden asked him while grinning.
"Umupo ka. May sakit si Venecia kaya wag mong gagalawin!" Mariing sabi niya dito.
"Ah bro, grabe ka naman. Kung maka-wag mong gagalawin para namang nagpaplano akong makipag-s*x sa kanya," Jayden hissed and sat down.
"Damn it, Jayden!" Sabi nito at bumaling sakin. "Just ignore him. He's an ass," Hinila niya ako papunta sa kwarto ko and I heard the boys laughing.
"Grabe ka naman makabakod bro, hindi pa nga kami makapagpakilala ng pormal eh,"
"Don't mind them," He touched my cheek and kissed my forehead. Damn, ano ba to. Kanina ko pa napapansin na parang may nag-iba sa kanya. Hindi na niya ako sinisigawan at lalong hindi na siya parehas kagabi. He is so gentle at para bang galit siya sa mga barkada niya dahil sa mga tingin nila sakin.
"Okay," He closed the door and pushed me to the bed na ikinagulat ko. "What are you doing?" I was alarmed because of the way he stares at me.
"Relax my love. You need to sleep," He smirked at inayos ang kama.
"But I am not sleepy. Ang aga pa tapos matutulog agad?" Bigla akong nahiya. Hindi ko nga magawang makipagtitigan sa kanya.
"Then rest. Hindi ka pa masyadong magaling. You have to rest baby," Ah eto na naman ang mga tawag niya sakin na nakakapangilabot. Bipolar talaga. Naku Lord, tulungan po ninyo ako. Ayokong magpakasal sa lalaking may tuktok.
"Eh pwedeng bang--"
"No," Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng sinagot na niya ako ng malaking NO. Ano ba talaga ang problema ng isang to?
"Ano?" I shouted.
"Pwede ba wag kang sumigaw?"
"Eh bakit mo ako binabara?"
"Dahil alam ko ang sasabihin mo,"
"Eh ano nga?" Hamon ko sa kanya. Ano ka, mind reader?
"Please Venice, behave and listen to what I say. Have you forgot that you're--" Siya naman ang binara ko.
"Oo na alam ko. I am just the woman you have paid to act as your wife. No, not just to act but to marry you in exchange of money. Alam ko yun. Alam na alam ko."
Nakita ko ang pagbago ng reaksiyon niya. Ang kaninang seryosong mukha ay napalitan ng pangamba o nagkakamali lang ako. Biglang tumamlay ang itsura niya at nag-iwas ng tingin. O ano, tama ako no!
"Can we just stop talking about that? I already apologized didn't I?" He looks so helpless. Tama lang sa kanya yan. Sa dinami-dami ba naman ng sinabi niya sakin, kulang na lang ay sabihin ng diretso na I look so pathetic because I was born like this.
"Go out. Magpapahinga na ako," Iniwasan ko ang mga titig niya at nagpanggap na matutulog. Gusto ko na lang magpahinga kahit ang totoo ay nababagot na ako dito sa bahay niya. Gusto ko nang umuwi samin. Paano na ang iniwan kong trabaho? Ang bahay? Patay ako nito nila kapitan. Yung mga bata? Sina sister? Bumuntong-hininga ako.
"Venice," Tawag niya sakin pero ipinikit ko na lang ang mga mata ko.
"Alis na. Alam kong sayo tong bahay na to at wala akong karapatan pero hayaan mo naman akong magpahinga,"
Hindi muna siya sumagot at parang bigla akong nilamig. "Fine," Mahina pero ramdam ko na hindi siya galit. "You can come out with me on the receiving room. Alam kong nababagot ka na," Hindi pa rin ako kumilos. Ayoko, gusto kong umalis ka.
"And then we can go to the orphanage tomorrow morning," Bigla akong napabalikwas ng bangon dahil sa sinabi niya. Parang may biglang inihulog si San Pedro dahil sa sobrang excited ko. Bigla akong ngumiti, ewan ko ba kung bakit. Dahil ba roon sa sinabi niya o dahil sa mukha niyang ngayon ay nakangiti na rin.
"Talaga?"
Tumango siya.
"Talagang talagang talaga?" Umupo ako sa kama at nakita ko kung paano siya ngumisi ng pagkatamis-tamis.
"Oo kaya wag kanang magmukmok dito. Labas ka na," Tumayo na siya at inilahad ang mga kamay niya sakin. Agad ko naman itong kinuha at tumayo sa kama.
"Thank you,"
"But promise me that you will not mind those dickheads outside. Masasama ang mga salitang lumalabas sa bibig nila," Sabi niya. Natawa na lang ako. This guy has a soft spot afterall.
"Parehas lang naman kayo eh," I teased and stucked my tongue out.
Natigilan naman siya kaya kailangan ko pa siyang itulak palabas para matauhan. "Stop pushing me," Nagtataray na naman ang bipolar. Hay naku. He really needs to be in the ward, hagikhik ko.
"Okay sorry,"
"Antagal niyo ah. Matagal bang naipasok?" Sabi nung isa na nakasuot ng gray na shirt. Ang gwapo niya. Halatang mayaman dahil sa ganda ng kutis. Parang mahihiya patin sabon na lumapat sa balat niya.
"Shut up!" Singhal ni James. He guided me to the chair behind him. "Sit,"
Hindi na ako umangal at baka bawiin pa yung sinabi niya kanina.
"Bakit mo naman siya pinapaupo diyan sa likod mo, James Tyler?" Tanong nung isa. "By the way I am Tyler. Don't be confused, mas gwapo ako diyan sa magiging asawa mo," Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Help.
"You're so cute when you're blushing," Agaw naman ng isa. Agad akong napatingin dito and saw that he was the same guy na lumapit sakin kanina. Si Jayden. Yes, siya nga. Siya lang naman ang palaging pinapagalitan nitong si James eh.
"Shut up, Jay. So bakit kayo andito without telling me in advance?" Umayos na siya ng upo sa sofa sa harapan ko. Hindi naman ako natatakpan dahil medyo mataas ang upuang kinalalagyan ko.
"So nagka-fiance ka lang, hindi na kami welcome dito ha?" Tyler asked him while the boys are busy eating the cookies na inilagay ni manang sa table.
"I know you are all busy. I am just wondering why you're here."
"We are here to meet her," Bigla silang napatingin sakin and I can feel the awkwardness.
"What's with her?" Tanong ni James. Bakit parang may iba sa tanong niya? Hay, napapraning na rin yata ako. Nasaan na ba kasi si Rico at Orlando? Mabuti pa sila at hindi kasing-seryoso ng amo nilang bipolar.
"She's your soon-to-be wife, dude and we want to see kung sino ang babaeng nakapagpaluhod sa'yo," They guy on the yellow shirt spoke. "I am Drew,"
I smiled.
"Ano naman ngayon kung fiance ko siya?" Para akong namagnet sa narinig ko. Bakit parang nagsisimula na namang kumirot ang puso ko?
"Gusto lang nga namin siyang makita? At gusto rin naming malaman kung talo ka ba," Nakangising sabi ni Drew.
"Bakit, wala namang espesyal sa kanya ah," That's it. Tama siya. Ano naman ngayon kung fiance niya ako? Wala naman talagang espesyal sakin. For hire lang nga ako diba?
"Dude, slowdown," Para namang nag-aalala si Tyler sa mag pwede niyang sabihin tungkol sakin dahil nakita ko siyang napapailing. Kung alam niyo lang kung ano ang mga sinabi niya sakin, mas malala pa diyan. Pinilit kong kinalma ang sarili ko dahil nakapangako na akong hindi ako iiyak. Pero diba dapat sweet siya sakin ngayon para makita nila na mahal niya ako kuno? Para mas maniwala sila na kunwari ay mahal niya ako at totoo ang pagpapakasal namin? Bakit ganito? Bakit parang sinasabi niya sa kanila na hindi niya ako mahal? Takte naman tong pusong to. Bakit ba napakaiyakin ko.
"Fine." Binalingan niya ako at nagsalita na naman. "Go to your room and rest. Just call manang through intercom," Mabilis akong naglakad papasok sa kwarto. Ni hindi na ako nagpaalam sa mga barkada niya dahil sobrang nahihiya ako. Nahihiya ako dahil bakit pakiramdam ko ay kanina lang nila ako pinaglalaruan. Hindi ko pa naisasara ang pintuan ng kwarto ko ng magsalita na naman siya.
"She doesn't know," Tumigil ako saglit upang makinig. Parang may isang bagay na humihila sakin at nagsasabing dapat ko itong pakinggan.
"Na ano?" Drew asked.
"Na pakakasalan ko siya dahil para makuha ko ang kayamanan na para talaga sakin," Parang tinutusok ang puso ko. Pero diba napaghandaan ko naman ito? Bakit pa ako nasasaktan kung may kapalit naman itong pera at orphanage? Kaya pala andali lang niyang ibigay sakin ang lupa yun pala ay barya lang ito para sa kanya.
"At ang pustahan natin," Biglang sumeryoso ang paligid. Anong pustahan ang pinagsasabi nila. "Nahuhulog ka na ba, James Tyler?" Tanong sa kanya ni Jayden.
"No f*****g way. Kailangan ko lang sanayin ang sarili kong maging sweet sa kanya para hindi ako magkamali kapag kaharap ko ang pamilya ko. Mahirap na, lola sniffs like a K9." Bigla siyang tumawa. Siya lang habang iiling-iling ang mga barkada niya.
Kahit nasasaktan ako sa mga naririnig ko ay panay pa rin ang pakikinig ko. "And I will never lose to our deal. Hindi ako kailanman matatalo ng isang babae. Not anymore. Tapos na ako sa mga panahong nagpakatanga ako," Nagulat ako sa sinabi niya. Nagpakatanga? Minsan na ba siyang niloko ng girlfriend na noon? Kaya siguro ganyan siya. Siguro ay dahil hindi pa siya nakakapagmove-on at galit siya sa mundo.
"Sabi mo yan ha. Pero kapag tapos na ang deal niyo ni Venecia, hayaan mong ligawan ko siya," Nakita ko ang pagtagis ng bagang ni James pero maya-maya pa ay ngumiti siya.
"Yun lang ba? Kahit ngayon pa kung gusto mo,"
"Yun oh," Nagtawanan sila sa sala na para bang nanalo sa isang patimpalak.
Isinarado ko ang pinto at naupo sa sahig. Naaawa ako sa sarili ko ngayon. Sa sobrang awa ko ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Masakit pala ano, na kahit babayaran ka na hindi mo naman gusto pero dahil sa may mga taong aasa sayo ay gagawin mo na lang. Masakit pala dahil parang ang tingin ng mga tao sa paligid mo ay isa kang bayarang babae. Masakit pala dahil buong buhay mo ay gusto mong sumaya pero hindi pala. Para kang pinanganak na may nakasulat na sa noo mo na habangbuhay kang magiging mahirap.
"Are you okay? Hindi ka na ba mainit?" Iwinaksi ko ang kamay niyang dadapo sana sa noo ko. Naiinis ako sa lahat ng taong andito. Pati si manang kanina sinungitan ko. Ewan ko ba pero bakit pakiramdam ko ay pinagtatawanan nila ako. Walang ganang isinubo ko ang isang pirasong karne mula sa plato ko.
"I'm okay. Tapos na ako," Agad akong tumayo at kinuha ko ang plato ko at inilagay sa sink.
"Si manang na diyan," Sabi naman niya pero hindi ako nakinig. Dapat pala talaga ay inihanda ko na ang sarili ko para sa ganitong mga bagay. Nais kong matawa sa sarili ko dahil panay pa rin ang hiling ko na sana bumuti ang buhay ko at makatagpo ako ng isang lalaking magmamahal sakin. Wala palang ganun. Nasa pelikula at libro lang sila.
Agad ko siyang nilampasan at nagtungo ako sa kwarto ko. Hindi pa ako tuluyang nakarating sa kwarto ko ng may pumigil sakin. "Anong nangyayari sayo?" Seryosong tanong niya sakin.
Gusto kong sabihin na nasusuka ako sa mukha niya pero baka ipatapon niya ako. "Inaantok ako," Pagsisinungaling ko.
He sighed. "Fine. Pupunta tayong dalawa sa lugar niyo bukas ng maaga okay?" Tumango lang ako at umalis na. Gusto ko lang mapag-isa. Ayokong may kausap ako maliban sa mga bata at kay sister.
Maaga akong nagising kinaumagahan dahil excited akong umuwi samin. Paano kaya kung hindi na ako bumalik dito? Pero kawawa naman ang mga bata. Agad akong naligo at naghanda sa sarili ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa lamesa at napangiti ng may text message akong natanggap. Siguro ay sina sister ito at tinatanong kong makakapunta ako ngayon. Sinabi ko kase sa kanila na sa number na ito nila ako itetext. Birthday kase niya at sobrang saya ko nang sabihin ni James na uuwi ako samin. Hindi ko kase pinapalampas ang kaarawan ni Sister eh. Kahit na parating pansit lang ang handa namin kase kailangan ring bilhan ang mga bata ay masaya pa rin naming pinagsasaluhan yun. Minsan naman ay may mga taong nagreregalo ng pagkain kay Sister. Balak kong magpaalam kay James kagabi kung hindi siya nagyaya.
From: Sister Nay
Hihintayin ka namin.
Napangiti ako.
Lumabas na ako ng kwarto at agad na nagtungo sa kusina. Nadatnan ko si manang at sina Rico at Orlando na masayang kumakain sa kusina. Mayroon ding dalawang lalaki na nakasuot ng itim. Napansin nila ang presensya ko kaya agad silang tumigil. Naging seryoso naman ang dalawang lalaki.
"Good morning po, Ma'am," Halos sabay ang apat ba lalaki sa pagbati sakin pero ipinagtataka ko kung bakit Ma'am na ang tawag nila Rico sakin. Naipilit ko kasing tawagin nila akong Ecia.
"Magandang umaga, Ecia. Lika na at kumain,"
"Good morning din po sa inyong lahat." Masayang bati ko. "Bakit ang pormal naman ng bati niyo sakin, Rico at Orlando, ha?" Ngiti ko sa kanila pero tumungo lang silang dalawa. "Manang, si James po?" Tanong ko ng mapansin na wala siya.
"Hindi ba siya nagsabi sayo iha?"
"Bakit po? Wala naman po," Nagtaka ako.
"Ay naku, kayo na ang magsabi at kayo rin lang naman ang binilinan," Baling niya kina Rico.
"Sorry po, Ma'am. Hindi raw po kayo matutuloy dahil may emergency meeting raw po si Sir. Andun na po siya sa opisina niya."
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Diba kagabi sabi niya at tutuloy kami? Na talagang talagang talaga? Bakit ngayon hindi? Eh birthday ni nanay eh. Hindi pwede. Hindi pwedeng hindi ako pumunta. Nakakainis naman eh. Kung sana ay sinabi niya na hindi siya sigurado ay uuwi na lang akong mag-isa. Pinilit kong wag malungkot.
"Pwede mo ba akong idaan sa opisina niya?" Tanong ko kay Rico na ngayon ay tapos na palang kumain.
"Sina John at Jay po ang mga bodyguards ninyo ngayong araw. Sila po muna ang makakasama ninyo. Okay lang po ba?" Tumango ako.
"Bakit may mga guards?" Tanong ko sa kanila.
"Good morning po. Bilin po kasi ni Mr. Ford, Ma'am Venecia. Ako po si Jay at kapatid ko po siya, si John." Bati sakin ng isang lalaking malaki ang pangangatawan.
"Ano yan?" Tanong ko sa kanya na may mapansin akong itim na nakalagay sa bewang niya.
"Ah baril po," Parang nagdadalawang-isip pa siyang sabihin sakin.
"Ano?" Napasigaw ako.
"Sorry po. Sabi po ni Mr. Ford na wag kayong takutin. For protection lang po ito. Wag kayong mag-alala."
"Bakit? May papatay ba sak-" Bahagya na akong naalarma.
"Ay naku tong batang to oo, syempre mayaman kasi ang mapapangasawa mo kaya kailangan niyang protektahan ka. Lika at kumain ka muna," Agad akong hinila ni manang sa upuan ko pero agad akong napailing. Ipinroseso ko pa ang mga nalalaman ko ngayong araw.
"Talaga po bang mayaman siya?" Ang tanga ko talaga ay yan pa ang itinanong ko.
"Sobra pa po sa iniisip niyo," Hagikhik ni Orlando. Minsan talaga parang praning ang lalaking to.
"O kain na," Nangungulit na naman si manang.
"Wag na po manang. Salamat po pero kailangan ko na pong umalis. Mamayang gabi na lang po." Hinalikan ko siya sa pisngi at agad na ngumiti. "Tulungan niyo si manang dito sa bahay Rico."
"Ay naku tong batang to. Parehas kayo ni Tyler at sobrang tigas ng ulo," Napatawa na lang ako.
"Alis na po muna kami."
"Samahan mo ako sa taas, Jay." Hindi ko kase alam kung saan at kung ano ang magiging reaksiyon ni James kapag nakita niya akong nasa opisina niya.
Bahagya siyang nagulat. Nakasuot sila ngayon ng itim na tshirt na para bang mga men in black. May wire din sa mga tenga nila para headset. Napakunot noo ako. Mayaman talaga si James. Ang laki ng kumpanya niya. Tumango lang siya bilang sagot.
"Hey, Jay, Jhon, bakit kayo andito? Nasa taas si Ford." Biglang lumapit sa amin ang dalawang lalaki na may dala-dalang attache case. Parang nasa forties na ang dalawa at nakasuot ng suit.
Sobrang pormal ng mga tao dito habang ako ay nakasuot ng itim na jeans at white shirt. Ipinangko ko lang rin ang buhok ko. Ni wala akong make-up dahil hindi naman ako marunong maglagay nun at lalong wala akong interes sa mga ganun.
"Good morning po, Mr. Magallanes, Mr. Roa," Nagbow ang dalawa sa dalawang lalaki. Agad rin akong ngumiti kahit hindi ako sigurado kung ano ang sasabihin nila.
"And who is this very beautiful woman right here?" Sabi ng lalaking tinawag nilang Mr. Magallanes.
"Hello po. I am Venecia Panganiban," I extended my hand to them and they willingly shook it. Kahit na nag-aalangan ay pilit kong maging pormal. Wala naman akong alam sa pakikitungo sa mga taong ganito kayaman eh.
"I am Mr. Magallanes," Pakilala niya.
"Mr. Roa,"
Nginitian ko silang dalawa. Not bad. Hindi naman pala kasingsungit ni James ang mga tao dito.
"So bakit andito kayong dalawa dito? To think na kayo ang bodyguard ni Ford," Bodyguards ni James? Eh bakit kasama ko sila ngayon?
"Si Ma'am Venecia po ang babantayan namin ngayon," Napakunot ang noo ko.
"Hmmm.. Did I miss something here?" Tanong ni Mr. Roa na nakangiti. "Parang may hindi sinasabi si Ford saten,"
"Ah eh naku po---" nauutal kong paliwanag sa kanila pero parang nabuhol ang dila ko.
"Ford!" Nang biglang may isang bulto ng lalaki ang lumabas mula sa elevator. Nakasuot siya ng executive suit at walang kangiti-ngiti.
Patay...
"Ford!" Naestatwa ako ng marinig ang pangalang yun. Is he here? Dahan-dahan akong lumingon sa direksiyon na tinatanaw nila Mr. Magallanes and there I saw a handsome man wearing an executive attire with a very serious look. Biglang nangatog ang mga tuhod ko. Hindi ko siya sinabihan na pupunta ako dito kaya siguradong magagalit ito. Hindi pa naman ako welcome dito.
"Good morning, Mr. Magallanes and Mr. Roa," Pormal na bati nito sa dalawa na ngayon ay inilipat-lipat ang paningin sa aming dalawa habang nakangiti. Bakit ba napakapormal ng lalaking to? Parang araw-araw ay pasan ang mundo. Parang ang mahal-mahal ng ngiti.
"Good morning, Mr. Ford. Kanina lang ay pinag-uusapan ka namin," Pahayag ni Mr. Roa na binuntutan pa ng mahinang tawa.
"Why so?" His voice is cold at para bang walang ganang makipag-usap sa kaninuman.
"Hmmm. We were just wondering why these guys here aren't with you eh sila pa naman ang pinakamagagaling mong bodyguards,"
"Ah yeah. I told them to guard this lady over here," Sabi niya at biglang ipinulupot ang kaliwang kamay sa bewang ko. Hindi naman ako makagalaw dahil sa sensasyong dulot niyon.
"Did we miss something, Mr. Ford?" Biglang umaliwalas ang mukha ng dalawang lalaki habang patuloy na nakangiti sa aming dalawa ni James.
"Nothing much, Gentlemen. She's Venecia Panganiban by the way," Pakilala niya sakin.
"Hmm, we knew that already. Nagpakilala na siya kanina. She's beautiful. May boyfriend ka na ba iha?" Tanong ni Mr. Roa sakin na halatang natatawa. Ano bang nakakatawa ha?
"Wala po," Bigla kong naramdaman ang paghigpit ng hawak niya sa bewang ko kaya napatingin ako sa kanya. Sinalubong niya ako ng malamig na titig.
"She has no boyfriend because I am her fiance," Magpoprotesta na sana ako ng maalala ko ang deal namin. Ofcourse he will introduce me to his business partners and all for the sake of his inheritance. Gusto kong masuka sa idea. Lahat na lang talaga ng mayayaman gusto pang yumaman without thinking the persons they are going to use.
"Wow. Really Mr. Ford? Well congratulations. This is a revelation. I thought hindi ka na magse-settle down," Nagkamayan ang mga lalaki na para bang big deal sa kanila ang pagse-settle down nito.
What's the buzz? Ofcourse darating rin naman ang oras na magpapakasal ang lalaking to minus the fact na para lang sa pera. Imposible namang walang babae ang magkakainteres sa kanya. Maliban sa gwapo ay mayaman pa. Bipolar nga lang.
Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. Sus, kase may mga taong nakatingin. Napakagaling talagang umakting.
"Thank you. Mauna na kami sa taas," Kinamayan naman ako ng dalawa bago niya ako hinila at binulungan.
"Don't talk to people you don't know," Magtatanong pa sana ako ng marinig ko ang pag-ping ng elevator sa harap namin. Lumingon ako pero wala na sina Jay at John. Asan na kaya ang mga yun?
"Where's Jay and John?"
"Upstairs,"
"What? Kanina ay nasa--"
"Trust me, I hired highly-trained people. Ayoko sa mga lalampa-lampa," s**t. Ayan naman siya sa pagka-dominante niya.
Tumunog na naman ang elevator at bumukas ang pinto. There I saw the boys. May lahi bang magician ang mga ito at marunong mag-teleport? They just nod at us and we went straight to the door na may malaking pangalang, "The CEO"
Ang ganda ng opisina niya. Pinto pa lang ay halatang ginastusan ng malaki. Kanina noong nasa lobby pa lang kami ay halata na ang karangyaan sa buong building. Talagang ang yaman niya. Lahat ng mga taong dinaanan niya ay nagbibigay-galang. Ang mayayaman talaga, gusto talagang tingalain ng mundo. Napailing ako.
"Aren't you going to go inside?" He said. His voice is very firm at parang gusto kong tumakbo papasok. Ah, dapat hindi ako natatakot sa bipolar na 'to.
He pointed the sofa and told me to sit and I did kahit na labag sa loob ko ang inuutus-utusan ako ng mga taong pangit ang ugali katulad niya.
"What are you doing here?" Nasa desk na siya at may mga papeles na kinakalikot. Hindi niya ako tiningnan kung kaya't bigla na namang bumalik ang pagkainis ko sa kanya. Dominante, arogante, bipolar ka! Kung nakamamatay lang ang mga titig ay siguradong patay na ang isang to kanina pa.
"You promised ,me," Simula ko. Hindi pa rin siya nag-angat ng tingin.
"What? I don't remember promising anything to you," His voice is calm kaya mas lalong naiinis ako sa kanya. How dare he!
"You promsied me na pupunta tayo sa orphanage!" Medyo tumaas na ang tono ng pananalita ko at nakatayo na rin ako.
"Next time wag kang pumunta dito. And don't wear tight-fitted jeans," Pag-iiba niya sa topic. Sarap talagang patayin.
"Don't change the topic. Why did you leave the house? You promised me last night!"
"What did I promise you? Hindi ko maalala," Bakit ba ang hirap pakisamahan ng lalaking to? Akala ko ba matalino siya eh bakit simpleng tanong lang hindi pa masagot? Bipolar bipolar bipolar.
"Damn it, James! I thought you were sincere pero hindi pala. I thought you're an honorable man pero hindi pala. Isaksak mo sa baga mo ang promise mo na yun dahil inis na inis na ako sa yo!" Nakita ko ang pagtigil niya sa ginagawa niya at nag-angat siya ng tingin sakin. Sobrang seryoso na ng mukha niya at parang naiinis na rin sa mga narinig niya. Pwes, wala akong pakialam dahil hindi ako ang klaseng babaeng walang pinag-aralan.
"Watch your words, woman!" Tumayo na siya at tiningnan ako ng mariin. Gusto kong yumuko pero hindi ko magawa. Gusto kong panindigan ang mga sinabi ko dahil ayoko nang patuloy pa niya akong tiningnan bilang isang babaeng binayaran para pumayag sa deal na to.
"Whatever, promise breaker!" I marched to the door at pabalibag ko itong binuksan.
"Don't you are walk away from me, Venecia!" He shouted before I shut the door.
Naglakad ako palabas at dinaanan ko ang desk ng isang magandang babae.
"Good morning, Ma'am," Bati niya sakin habang nakangiti. Nginitian ko na lang siya ng pilit at nagtanong kung saan ang palabas. Hindi kasi ako nag-elevator kaya kailangan kong bagtasin ang hallway. "This way, ma'am," Pagkatapos kong magpasalamat at agad akong tumakbo palabas.
Andaming mga empleyado. Lahat busy sa ginagawa. Parang bawal ang magsayang ng isang segundo dahil makikita mo kung gaano kaabala ang lahat sa pagtipa ng mga keyboards, yung iba ay may mga inaayos na papeles. Ang iba naman ang may mga kausap sa telepono sabay sulat nito sa papel. Patuloy lang ako sa paglalakad at kahit hindi ko alam ang labasan ay diretso pa rin ako. Ayoko namang makaistorbo sa kanila at baka lagot na naman ako nito kay James Bipolar.
"Stop right there, woman!" He shouted from behind. s**t. I froze when I heard his voice again. It was very firm and very authoritative. Napansin ko naman ang pagtigil ng mga empleyado sa pagtatrabaho at tumingin sa gawi ko. Nagbaba na lang ako ng tingin.
I heard footsteps. Siguro ay siya yun. "Wag kang lalapit," I shouted back. Napasinghap naman ang mga empleyado. Narinig ko pa ang pagsabi ng, "OMG" sa may malapit sa kinatatayuan ko.
"And where do you think you're going?" He asked. Narinig ko na naman ang paglapit niya sakin dahil sobrang nakakabingi ang katahimikan. Narinig ko ang pagring ng iilang telepono pero saglit lang dahil biglang nawala ang pagring ng mga ito.
"I am going to where I am supposed to be going because you're such a liar!" Hindi ko mapigilan ang pagbulalas ko. Bahala na si Batman. Ihahanda ko na lang ang sarili ko sa execution ko mamaya. Ang importante ay makaalis ako dito ngayon din. Naglakad ako ulit at narinig ko na naman ang boses niyang dumagundong sa buong floor.
"Oh my, kaanu-ano ba siya ni Sir? At sinabihan pa niya ng liar. Naku, kawawa naman siya. Tiyak na magbabayad siya,"
"s**t, patay galit na si Sir,"
"Siguro bagong fling yan ni Sir,"
Andaming mga boses ang naririnig ko sa malapit sakin. Mahina lang ito pero sapat na para marinig ko. Fling? Ako? At bakit naman ako magbabayad?
Nagtaka ako kung bakit ganun na lang ang reaksiyon nila sa pag-uusap namin ni James. Ganyan ba sila katakot sa bipolar na yun?
"Damn woman what do you want?" Nag-inhale exhale pa ako bago ko siya harapan at nakita ko na hindi na siya nakasuot ng vest niya. Tanong ang long sleeves na lang niya ang suot niya at medyo gulo ang buhok niya. Kahit na ganun ay sobrang gwapo pa rin niya. Ang ganda ng mga mata niya kahit halos magbuhol na ang mga kilay niya dahil sa inis.
"Wala akong kailangan kaya pwede ba gusto ko nang umalis," Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.
"Stop or I will fire all employees in this floor!" Gusto kong matawa sa sinabi niya. Gago ba siya para i-fire lahat ng empleyado niya? Eh di wala na siyang employees. Bipolar na nga, bobo pa.
Matatawa na sana ako ng may isang boses ng lalaki akong narinig.
"Please Ma'am sundin niyo po si Sir Ford. Ayaw po naming matanggal," Dahil sa sinabi niya ay nagsunod-sunod ang mga taong nakiusap sakin. Bigla naman akong nakaramdan ng awa at kahihiyan. Sino ba naman ang papayag na matanggalan sila ng trabaho dahil sakin? The thought makes me sick.
"See? They are all afraid. So now, woman just tell me what do you want?" Nasa kabilang bewang niya ang mga kamay niya at para siyang model na nagpo-pose sa isang magazine. Hay naku, Ecia, sa lahat ba naman yan pa rin ang iniisip mo?
"I know you will not do it and I am sorry because I don't want anything from you," Nagsukatan kami ng titig habang ang lahat ay tahimik sa pakikinig. Ang iba naman ang nagsimula ng maluha. Nang tingnan ko ang isang babaeng sa tingin ko ay nasa forties ay nakita kong nagsabi siya ng "Please". Hindi ko naman mapigilan ang makonsensya.
"Oh damn this! He sighed and tried to calm himself. Kitang-kita ko ang pagtagis ng bagang niya.
"Alis na'ko. Nakakaistorbo na ako sa inyo. I am sorry,"
"Please, sweetheart, just tell me what I promised. Sorry dahil nakalimutan ko. I was so busy and I need to left you in the house while you were sleeping but I told Rico to tell you," Naging malamlam na at kalma na rin ang boses niya. Siguro dahil alam niyang hindi siya mananalo sakin o dahil mamaya na niya ako sisingilin sa ginawa kong to. Bigla naman akong kinabahan. Ano na namang personality ang nasa harap ko? Bakit bigla na naman siyang naging mabait? Hay, nakakastress ang lalaking to.
Hindi man nagsasalita ang mga empleyado niya ay nakita ko kung paano bumilog ang mga mata nila noong marinig nila si James na tinawag akong sweetheart. Kahit ako ay nagulat dahil hindi naman siya ganyan kapag kaharap namin ang ibang tao. Sigurado parte na naman ito sa palabas niya.
"Sorry if I barged in, Mr. Ford," Sabi ko. Bigla siyang sumeryoso pero hindi na galit ang mukha niya.
"It's okay, love. I will take the day off kung yun ang gusto mo. And to everyone here, hindi ko kayo itatanggal. Just pray that this beautiful lady here will talk to me properly and will forgive me," Kumunot ang noo ko. Nakakahiya. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Kung anuman ang plano ng damuhong to ay ewan ko na lang. Hindi ko siya maintindihan.
Hindi ako nagsalita. Nagulat na lang ako ng may yumakap sakin.
"James,"
"You have a lot of explaining to do, Venecia Panganiban and prepare your valid excuses or I am sure you'll pay for this,"
I froze. Ito na nga ba ang sinasabi ko.
Shit. Bakit ba ako nagpadala sa talas ng dila niya?