"Bakit ba ang ingay mo?" Kanina pa naiingayan si Venice sa lalaking to na walang ibang ginawa kundi ang magbigay ng instructions sa security team niya. Hindi siya mapalagay. Kanina pa siya reklamo ng reklamo sa mga ito na dapat higpitan ang security sa resort niya. For goodness sake ay wala namang ibang nakakapsok dito kundi ang mga taong naka-check-in sa hotel niya. And considering the rates ay walang makakapasok na hindi galing sa marangyang pamilya o yung mga taong mayayaman. Sa mahal ba naman ng bayad niya ay siguradong mamumulubi ang kung sinumang mag-check-in kahit na isang araw lang. "Stop complaining, my love," He smiled. Isa rin ito sa mga napapansin niya. Lately ay palagi na niya itong tinatawag sa iba't-ibang endearments. Kung hindi my love ay baby o di kaya ay babae, sweethear

