"Hindi mo ako mapipigilan diyan sa pasta mo," I said. Akala niya maloloko niya ako dahil lang sa gusto kong kumain ng pasta? You wish. "Okay. Sa'yo na lang to, Carla," "Po?" Gulat na tanong nito. "Ayaw ng ASAWA ko eh," Diing sabi nito sabay tingin kay Jayden na ngayon ay tahimik na nakaupo sa sofa. Natawa na lang sina Lance. "Akin na nga yan. Kung anu-ano pa ang sinasabi eh," Sabi ko sabay hablot sa paper bag. "Excuse me, ready na po ang sasakyan, Ma'am," Rico peeped at the door. Nakalimutan ko na aalis na pala kami. Pero mas gusto kong kumain ng pasta eh. "Eh, wag na lang. Dito na lang ako kakain. Kung gusto niya kumain muna kayo okay?" I said and he left. Hindi naman nagsalita si James. Nakangisi lang ito. Ewan ko ba pero parang may mali. Pero sige lang, ang importante ay makakakai

