"Maaring isang basura para sa inyo si Lars pero hindi naman natin makakaila na isa rin siyang mabuting tao.
Baka hindi ako ang nakalaan para sa kanya!" tumingin siya sa mga mata ni Harry. "Pa, hindi pa po ako tapos. I will go out with Mr. Cabalerio's son pero dapat si Lars ay mayroon din share sapagkat nako konsensya rin naman ako sa gagawin ko sa kanya."
Naasar si Harry sa narinig niya. Hindi niya inaasahan na ang kanyang anak na babae ay magiging prangka at ipagtatangol si Lars na sobra nitong minamaliit.
"Sabi ko na nga ba, simula pa lang ay kinamumuhian ko na ang letseng lalaking yan. Marahil ay pagod ka nang marinig ito ngunit wala talaga siyang pakinabang eh. I could care less kung ano ang mararamdaman niya kapag nalaman niya 'to. Malaki pa rin naman ang utang na loob niya sa atin kahit papaano. And that is beside the fact na tayo ang nagpapalamon sa kanya. Kaya tigilan mo na ang kahibangan na ito, Angel."
"Sumasang ayon ako sa sinabi ng papa mo," dagdag ni Loisa. "Pagod na akong mag explain nito sayo Angel. Masyado kang nabubulag ng pagmamahal mo para sa lalaking yan na wala namang silbe! Nakaka disappoint kung paano ka mag isip!"
Sa kabila ng pagiging matapang ni Angel para bang wala na itong kayang ibuga pa dahil sa nakaka sagutan na niya ang kanyang mga magulang. May katiting na awa pa naman siyang nararamdaman para kay Lars subalit sumuko siya kaagad na ito ay ipagtanggol.
Nabalot sila ng katahimikan hanggang sa muling magsalita si Angel.
"Naiinip na ako, sana naman ay matapos na ang lahat ng ito," sabi pa ni Angel na napa buntong hininga na lamang ng malalim.
"Relax ka lang anak. In no time, muli na namang magpapakita sa atin si Mr. Cabalerio at sigurado ako na kasa kasama na niya ang kanyang anak."
"Mabuti naman at nagising ka na rin sa katotohan na hindi dapat natin sinasali rito ang hampaslupa mong asawa.
Ang basurang iyan ay malas para sa pamilya natin-" Tatapusin na sana ni Sandy ang kanyang pahayag nang pumasok ang lalaki na mala artista ang hitsura. Matangkad ito at maputi, at halos mapatitig si Angel sa kanya. Sobrang formal itong tingnan sa kanyang coat.
At isang maliit na name plate na si Andrew ang naka pin sa kanyang dibdib. Hindi tulad ng mga tsismis na narinig nila, wala siyang dalang guard o assistant. Pero sa kanyang pananamit, naniniwala ako na talagang isa siyang mayamang tao.
Nabaling agad ang mga mata niya kay Angel na nakaupo sa harapan niya. Binigyan niya ito ng nakakalokong ngiti, habang si Shiela naman ay awkward na ngumiti sa kanya.
"Tingnan mo kung ano ang kinaladkad ng pusa, isang magandang binibini na nakita ko lamang sa larawan ay sa wakas ay dumating sa aking teritoryo. Ako nga pala ang pinakamayamang tao sa bansang ito at gusto kong makasama ka? okay lang yun?" mayabang na sabi niya.
Napatingin si Angel sa mga kapamilya niya na pawang tulala sa itsura ni Mr. Andrew. Tumayo silang lahat ngunit bago umalis, nag-iwan ng ilang salita si Harry kay Andrew.
"I am hoping that this negotiation will not be in vain and may your eyes enjoy being with my precious daughter," inilapit niya ang bibig sa tenga ni Mr. Andrew. "I assured you that she can make you happy than your ex-wife!"
Napangiti na lamang si Andrew sa kanyang narinig, "Alright I am also looking forward to this fruitful negotiation. Sa tingin ko naman ay hindi ako mag sisisi sa pinasok kong ito. At more importantly ay mayroon akong tiwala kay Dad because he knows life better than I do."
Pagkatapos ay umalis si Harry, kasama ang kanyang asawa at ang kanyang anak na si Sandy sa conference room. Para makasigurado, ni-lock ni Andrew ang pinto para maiwasang may makagambala sa pakikipag-usap nila ni Angel. Umupo siya sa tapat niya at sumandal sa upuan.
"Andrew, I would like formally introduce myself! Ako si Angel, married ako sa isang lalaki pero gusto ko na siyang hiwalaayan pa. Pero walang dapat ikabahala, hindi niya ako pipigilan sa gusto ko!" sabi ng dalaga na nagbago ang isipan, sa tingin nito, wala nang dahilan pa upang itago niya ang tungkol kay Lars.
Nawala ang malawak na ngiti sa mukha ni Andrew nang marinig niya ang pangalan ni Lars. Naalala niya na may isang lalaki noon na aksidente niyang natamaan atnawalan ng malay. Sinuhulan niya lang naman ang awtoridad upang hindi ito makasuhan. Sa pagkakaalala niya, Lars ang pangalan ng lalaki. Ayon sa huling balitang natanggap niya mula sa mga doktor, walang maalala si Lars maliban sa kanyang pangalan. It was such a nightmare for him to even remember his dark past and he regrets not killing him when he still have a chance before.
"Ayos lang naman sa akin. Pero kung gusto mo, pwedeng pwede naman kitang tulungan na mag file ng annulment sa kanya. O baka naman may ibang bagay ka pang naiisip na pwedeng gawin natin sa kanya?" mahinahon niyang sabi, pero sa totoo lang ay kinakabahan si Andrew sa mga posibleng mangyari lalo na kung mapatunayan nito na siya nga ang nabungo niya dati.
"Patawarin mo ako, Mr. Andrew pero wala akong planong saktan ang asawa ko, lalo na't mayroon din kaming pinagsamahan. Nawalan na siya ng alaala pero ako na ang bahala sa kanya. Sigurado ako na hindi niya tayo gagambalin lalo na kung balak mo akong pakasalan."
"Well, you left me so speechless and shocked. Sinong mag-aakala na hindi ka lang magandang babae, sigurista ka pa. I am starting to like you more... maybe we have so much in common, Angel!"
"Don't mention it. By the way, I was not sure if there is a change in the agreement between you and my father. I would like to hear the agreement from your lips!"
"So wala ka talagang tiwala sa pamilya mo, yun ba ang pinapahiwatig mo?"
"Let's just say it takes one to know one. I am the bait in this agreement and I have the rights to know what is going. Will you share it to me?"