DORALIE’S POV “May babaeng ipinahahanap si Diego? At sino naman ‘yon? Asawa niya? Kabit niya? Nanay niya? O, nagnakaw ng brep niya noon?” kausap ko sa aking sarili. Tinitigan kong mabuti ang babaeng nakatakip ang kamay sa mukha at gulo–gulo ang buhok nito na parang hindi nagsuklay ng isang buwan. Naka–zoom pa ito, pero hindi naman makita ang mukha nito. Ngunit, pumasok sa isip ko na hindi lang ako ang babae sa buhay ni Diego? Kung wala na sila ni Femelyn, sino itong babaeng ito? Pinaglalaruan lang ba niya ako? “Hindi naman siguro at baka nga related ang babaeng ito sa kanya. O, siguro lalaki ito at mahaba lang ang buhok,” muling kausap ko sa sarili ko. “Doralie!” narinig kong sambit ni Diego dahilan upang mapakislot ak. Piinatay ko na ang laptop dahil baka makita niya ako at luma

