DORALIE’S POV “Bitawan mo buhok ko sa ulo, Ms. Femelyn at ang vol vol ko ang sabunutan mo para hindi na ako mahirapang magshave!” gagad ko at pilit kong inalis ang kamay nito sa buhok ko dahil ayaw kong patulan ito. “Bruha ka! Singkapal ng vol vol mo ‘yang pagmumukha mo para makipaghalikan ka kay Diego, ha! Sino ka sa akala mo! Isang hamak ka lang na muchacha at binasura ka na ng isang lalaki dahil naanakan ka lang!” asik nito sa akin. “Tumigil ka na, Femelyn at bitawan mo si Doralie!” protesta naman ni Diego. “Manood ka lang diyan, Honey at tingnan ko kung maipagtatanggol mo ang babaeng ito! Hindi na kayo nahiyang dalawa, lalo na ikaw, Diego dahil ang kahalikan mo’y isang basura! Aminin mo, may relasyon ba kayong dalawa ng muchacha mong ito, ha! Dahil kung mayro’n, makakaabot ito

