“Tumigil ka, Diego! Kaya, nandito kami para ‘yan ang pag–usapan nating lahat!” matigas na sambit ni Don Gabri kay Diego at matiim silang tumingin sa akin dahilan upang ibaling ko ang tingin ko sa iba. “Dalian mo na riyan, Doralie at gawin mo na inuutos ko, sa ‘yo dahil hindi ka kasama rito at hindi maistorbo ang usapin namin,” awtoridad na saad nila sa akin. “Hindi siya aalis, Papa! Gusto kong marinig ni Doralie kung ano man ang pag–uusapan nating lahat!” asik naman ni Diego. “She’s not belong here, Diego at katulong lang siya rito. Tingnan mo nga, tatanga—tanga pa rin siya!” gagad naman ni Femelyn. “Hindi siya tanga, Femelyn dahil nakita ko ang pagharang mo ng paa mo kay Doralie , kaya siya nadapa,” segunda naman ni Diego. “Baka, guni–guni mo lang ‘yon, Honey dahil naka–focus ang

