DORALIE'S POV “Mama, tinatanong po kita kung sino po ang lalaking ‘yan?” muling tanong ng anak ko, kaya binuhat na ito ni Roger. At hindi pa rin inaalis ni Diego ang paninitig niya kay Dixon. “He’s my cousin, Son,” agaw na sagot ni Roger. “And he is Diego Mahoten. Say, hi, Tito Diego,” ngiti na saad pa ni Roger at ginaya naman ito ng anak ko. “Hello, Tito Diego. How are you? At saka, ba’t ka po galit kay mama ko? May kasalanan po mama ko sa inyo, ha?” tanong ng anak ko, kaya naman nagsalubong ang kilay ni Diego. “Um, Sir, alis na kami at baka ma–late kami dahil card day ngayon ni Dana,” mabilis na sambit ko at hinila ko na si Roger. Naiwan namang tulala si Diego at parang sinusuri niya ang anak ko. “Bye, Tito Diego! Nice to meet you po!” kaway ng anak ko at pumasok na kami sa kot

