DIEGO’S POV “Nandito ba si papa?” matigas na tanong ko at dire–diretso akong pumasok sa loob ng opisina ni papa kahit hindi pa ako sinasagot ni Mr. Kurimao. “Papa! Papa!” pahangos na tawag ko sa kanila at nakaharap sila habang nagyoyosi. “Ba’t tinanggalan ninyo ng scholar ang mga kapatid ni Doralie nang hindi n’yo man lang sinabi sa akin!” gagad ko. Pumihit si papa paharap sa akin at nilapitan ako. “Nakauwi ka na pala, Hijo. Ba’t ‘di mo man lang ipinaalam sa akin na uuwi ka na, para napaghandaan ko.” “Tsk! Huwag na tayong maglokohan, Papa! Ba’t tinanggalan ninyo ng scholar ang mga kapatid ni Doralie! Hindi ba’t malinaw ang usapan natin na ang shares ko’y mapupunta sakanaia, pero ba’t n’yo tinanggal, samantalang pinaghirapan ko ‘yon!” asik ko. “Kararating mo lang, Hijo pero ang ini

