DIEGO'S POV “Tinatanong kita kung sino’ng tatay ni Dixon, Doralie! Sino at ba’t hindi ka kaagad makasagot!” gagad ko. “Diego!” malakas na tawag sa akin ni Roger at lumapit ito sa amin. “Ba’t mo sinisigawan si Doralie, ha! Baka nakalilimutan mong nasa teritoryo ka niya!” asik pa nito. “Wala akong pakialam kung teritoryo ito ni Doralie, Roger. May tinatanong ako sa kanya, kaya huwag kang mangialam dito!” sigaw ko. “At ano naman ang tinatanong mo, Aber? At saka, ba’t ka hindi na lang umalis, kaysa ang dami mo pang nauungkat na salita at huwag ka nang manggulo rito dahil ikakasal ka na, ‘di ba? Kaya, umalis ka na at masaya na si Doralie sa akin,” maawtoridad na pahayag ni Roger sa akin. “Masaya? Sa ‘yo? Tsk! At wala kang pakialam kung anong itinatanong ko kay Doralie, Roger at huwag

