3RD PERSON POV “Masyado kang atat! Isipin mo nga kung ‘yon ang gagawin mo agad sa kanila, ha! Hindi pa natin nakukuha ang pera ni Diego, kaya huwag kang gagawa ng plano na hindi ko alam kung ayaw mong tayong dalawa ang magkalintikan!” gagad niya na halos umusok ang ilong niya sa galit. “Joke ko lang naman ‘yon, Babe. Ikaw naman, hindi mabiro. Pero, sana noon pa ma’y sinuyo mo na si Diego para hindi na tayo nahihirapan ng ganito. Baka, mamaya niyan, makahalata na siya sa ‘yo dahil hiwalay na kayo, tapos nakipagbalaikan ka pa. Mabuti nga at hindi ‘yan nagtataka,” pahayag nito. “Ba’t naman siya magtataka? Siguro nga na mahal pa niya ako dahil tingnan mo naman na binigyan niya ako ng singsing. Humingi lang ako ng tawad sa kanya, no’ng una’y medyo nahirapan ako. Pero, dahil kailangan din

