DIEGO'S POV “Huwag mo na kaming paalisin, Papa Diego, huwag na po,” umiiyak na pakiusap sa akin ni Dana at lalo nitong hinigpitan ang pagkayayakap sa akin. “Umalis na kayo rito, Dana! Umalis na kayo! Doralie, kuhanin mo na itong anak mong makulit dahil lalong sumasakit ang ulo ko sa kanya!” sigaw ko. Inalis ko ang mga kamay nito sa baywang ko at lumayo ako. “Hindi kami aalis dito, Papa Diego, hindi po kami aalis ni mama dahil mahal n’yo po kami, ‘di ba? Sabi n’yo sa akin no’n na mahal na mahal n’yo kami ng mama ko. Sabi mo po na anak n’yo ‘ko at gusto n’yo po akong bigyan ng kapatid. Narinig ko po ‘yon no’ng nag–uusap po kayo ni mama sa hardin. Kaya, hindi po kami aalis ni mama,” muling iyak nito, dahilan upang mapalunok ako. “Hindi ko kayo mahal! At nagsinungaling ako dahil hindi

