DIEGO'S POV “Do–Doralie? Is this fúcking true?” hindi makapaniwalang sambit ko sa aking sarili. “Baka, nagkamali lang kayo, Detective at paano kayo nakakuha ng photos ng babaeng ito?” gagad ko dahil baka kung saan–saan naman kinuha ng detective na ito ang larawan. “Sa mismong hotel, Mr. Walang–hoten, este, Mahoten. Iyong nabanggit mo sa akin na memory card o sd card ng cctv footage ay walang kuwenta rin. Pero, may cctv cam na hindi natin na–check at iyon ay sa mismong parking area ng hotel. At i–send ko sa inyo ang ilang kuha ng cctv cam, dahil ni–video–han ko ito,” imporma ni Detective Mazilip at natanggap ko na ang ni–send nitong video at sa parking area nga ito. “Okay, Detective. At send ko na lang payment sa inyong bank account dahil nandito na ‘ko sa eroplano at flight ko ngayon

