DIEGO'S POV “Tsk! Hindi ko kilala ang Doralie na ‘yan, Hijo. Pero, huwag ka masyadong magtiwala sa yayamaid mo dahil baka ikaw rin. Kaya, kung ako, sa ‘yo’y si Femelyn ang pagtuunan mo nang pansin, hindi ang Doralie na ‘yan!” asik ni papa sa akin. “Hindi n’yo ‘ko mapipilit sa gusto ko, Papa. I have my own decision, kaya huwag na sana kayong mangialam. Alam n’yo naman kung anong mga pinagdaanan ko no’ng iniwan ako ni Femelyn. Kaya, huwag n’yo na siyang ipilit sa akin dahil ko na siya gusto at lalong–lalong hindi ko na siya mahal,” maawtoridad na pahayag ko. “Ako pa rin ang masusunod, Diego dahil ako ang ama mo at alam kong naaawa ka lang kay Doralie dahil sa situwasyon nilang ma–ina. At isipin mo rin ‘yang sinasabi mo, lalo na at tinatawag mo siyang anak! She’s not your daughter at

