DIEGO'S POV “Femelyn?” kunot noo na sambit ko nang mapagsino ang babaeng ito. At hindi ako makapaniwalang may nunal ito sa singit. It can’t be! “Nagulat ba kita, Diego?” ngiti ni Femelyn sa akin, kaya gumalaw ang panga ko. “Pa’no mo alam ang tungkol dito, Fem?” tanong ko. “Tsk! Hindi mo pa ba ako aaluking umupo, Diego?” saad nito. Huminga ako nang malalim. Tumayo ako pinaghila ko ito ng upuan, at umupo na rin ito. “Iwanan n’yo muna kami, Detective Mazilip,” baling ko kay Detective. “Sige, Mr. Mahoten. At ikaw na bahala kay Ms. Femelyn,” pahayag nito at naglakad na ito palayo sa amin. Umupo na rin ako at tinawag ko ang waiter at nag–order ako ng maiinom para sa aming dalawa. “Inuulit ko, Femelyn, paano mo alam ang tungko dito? At saka, kailan ka pa nagkaroon ng nunal sa

