DIEGO'S POV “Napatawad mo na ba ako, Anak? Hindi ka na galit sa akin,” umiiyak na sambit ko. Inalalayan ako ni Dana na makatayo at muli akong niyakap ng mahigpit. “Ibinuhos ko na ang galit ko at iniiyak ko na po kaya gumaan na po ang mabigat na pakiramdam ko ngayon. Mahal ko po kayo, Papa at naniniwala po ako na kayo ang papa ko dahil nararamdaman ko po, eh!” lumuluhang sambit nito at niyakap na naman ako. Pinahid ko ang luha nito at hindi pa rin ito tuitigil sa paghikbi. Gusto ko na tuloy malaman ang totoo na anak ko nga ito para sumaya at gumaan ang pakiramdam nito. Pero, kailangang ilihim lalo na at malapit ito kay Roger. Baka, mabulyaso pa kung sakaling magpa–DNA test kaming tatlo. Kaya, kinuha ko ang buhok nitong nasa uniform at nilagay ko ito sa aking bulsa. At gano’n din an

