DORALIE’S POV “Wala kang karapatang pagsabihan ako ng gan’yan, Diego dahil hindi mo alam ang pinagdaanan ko! Wala ka sa tabi ko no’ng nangyari ang bagay na ‘yan sa akin, kaya huwag na huwag mo ‘kong husgahan!” garlagal na sigaw ko at iniwan ko na siya. Pumasok ako sa kuwarto namin ni Dana at nagulat pa ako dahil nagising ito at tiyak kong narinig akong sumigaw. Mabilis kong pinahid ang nangingilid na luha ko at nilapitan ko ito. “Ba’t nagising ka, Anak? May masakit ba sa’yo?” tanong ko. “Wala po, Mama. Narinig ko po kasi na may nagsisigawan sa labas, kaya napabalikwas ako.Nag–aaway po ba kayo ni Papa Diego, Mama?” tanong nito. “Sa phone lang ‘yon, Anak at malakas ang volume ng pinanonood ni Papa Diego,” pahayag ko. “Naalala ko, Mama, ba’t gano’n po si lola sa akin? Halos hindi po

