Kate's POV
"S-si kate.."
"Damn! S-she's.."
"k-kate.."
"Tell me, namamalik-mata lang ako!"
"No.. nandito siya! F-f**k!"
"She's... alive.."
Unang araw ng klase, hindi ba sila natutuwa na makita ako ngayon? Sayang naman, nag-ayos pa naman ako ng sarili upang hindi kakatawa ang itsura ko. Pero mukhang natatakot sila sa'kin. Nakakatakot ba ang itsura ko?
"k-kate." nauutal na usal ni princess, best of friend ko.
"Hi, princess Na-miss kita."
Hindi siya umimik at sa halip ay nanlalaki ang mga matang tumitig sa akin. Sa katunayan, lahat sila ay nanlalaki ang mga mata, bakas ang takot at panginginig sa itsura habang sinusuri ang kabuuan ko.
"O-okay Class 3.." nanginginig na boses ni sir Pan. "N-nandito siya sa klase natin.. at.. makakasama natin siya buong taon."
"N-no way!"
"This is not happening!"
"Damn it!"
"Fuck.."
Tumabingi ang aking ulo. Ayaw ba nila akong makasama? Sayang, marami pa naman akong surpresa.
"Silence!" saway ni sir saka bumaling sa akin. "S-self introduce, please?"
Tumango ako saka isa-isang tumingin sa aking mga kakalse.
"Alam kong hindi niyo nakakalimutan ang pangalan ko.. pero magpapakilala parin ako." malamig kong sabi.
"Ako si kate Yezidi Cleveland. A beautiful devil of our family."
Napayuko ang iba at hindi mapakali sa kinuupuan habang pinagmamasdan ko sila. Hindi magawang salubungin ang aking mga mata.
Ang eskwelahan namin ay para sa mga Mafia. Patago at walang ordinaryong tao ang nakakaalam. Lahat ng nandidito ay may kanya-kanyang lakas at tapang.. Ngunit sa sandaling ito, natatakot ang lahat sa pagdating ko. Bakit kaya?
"P-pwede ka ng maupo..kate" ani sir Pan.
Walang emosyon akong naupo sa likuran, katabi ni Vee..
"Hi Vee." ngumiti ako sa kaniya.
Ganoon na lamang ang panginginig niya at wala sa sariling tumayo upang lumipat ng kinauupuan. Napatingin ako sa aking mga kaklase na mabilis na lumayo.
Napanguso ako. "Wala akong sakit. Bakit kayo umiiwas sa'kin?"
Hindi sila nakasagot sa akin. Nagkibit-balikat na lamang ako. Si sir Pan ay lumabas ng klase nang wala paalam sa amin.
"M-Mei.." lumapit sa akin si Wendy.
"Wendy! Hali ka, tabi tayo." nakangiti kong presenta.
"B-buhay ka.. Buhay ka, Mei.." naiiyak niyang usal.
"Bakit? Namatay ba ako?" inosente kong tanong.
Umiling-iling siya at bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit.
"Buhay ka! Buhay ka.. Buhay ka.." paulit-ulit niyang sabi na kinarindi ang tainga ko.
Nag-ingay naman bigla ang aking mga kaklase. Kaya nandoon ang tuon ko.
"Wendy! Anong ginagawa mo.. Lumayo ka sa babaeng 'yan!"
"F-f**k this! Get away from her!"
"Damn.. Wendy, come here!"
Mukhang natauhan si Wendy at biglaan akong itinulak papalayo sa kaniya. Walang emosyon ko siyang tinitigan.
"M-Mei.." aniya. "Bakit.. bakit may putik sa leeg mo?" nanginginig niyang tanong.
Kinapa ko ang aking leeg saka tiningnan ang aking kamay nang mayroon ngang putik dito.
"S-s**t!"
"What the hell she's up to?!"
"Bakit siya may putik!?"
"What the heck is she?"
"She's not Mei!"
Overreacting. Tss.
"Pasensya na." ani ko. "Naglaro kasi ako sa putikan. Hindi ko namalayan.."
Unti-unti akong bumaling ng tingin kay Vee, na ngayon ay namumula ang mga mata. Nginitian ko siya saka ipinakita ang putik sa aking mga kamay.
That's right. Alam ko kung gaano niyo kagusto ang putik. Because that's how you see me that night.
C O N T I N U A T I O N
Mal's POV
"I'm telling you, Mal! Buhay siya.. At 'yong nakakatakot na putik kanina! Mal, natatakot ako! Baka kung anong gawin niya sa atin. Damn it.. Paano ako makakabalik sa classroom na 'yon?!"
Malakas akong nagpakawala ng hininga. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari. Bullshit! Paano siya nakaligtas doon?! Imposible. Paniguradong may tumulong sa kaniya.
"I don't know what just happened, Vee! Kailangan nating malaman ito. Kung hindi mananagot tayo! Lalo na ako! My father, Diabolus.. ayaw kong masira ang tiwala niya."
Nasapo ko ang aking noo saka pabagsak na nahiga sa kama. Nandito kami sa aking dorm at mamaya lang mag-uumpisa na ang klase.
November 2, ang petsa kung kailan namin ginawa ang bagay na 'yon. 6 feet ang lalim ng hukay. Pero paano.. Paanong buhay pa siya?
"Hindi kaya.. hindi kaya multo siya? Multo na si Mei!" nababaliw na sabi ni Vee.
"Stupid! Paanong multo? Nakikita at nahahawakan siya, tapos multo? Baliw ka na ba talaga? Just calm down, Vee. Walang maitutulong ang pagpapanic mo diyan."
Napaikot ako ng mga mata. Uminom naman siya ng tubig mula sa mini-ref na nandidito sa dorm.
I'm Mal Yaotzin Cleveland, the first born daughter of my father, Diabolus. Mayroon kaming 2 months gap ni Mei Yezidi. Magkaiba kami ng ina ngunit parehas ng ama. At ang nagpangalan sa amin ay si Diabolus. Nakuha din sa pangalan ng aming sariling ina. Ang pangalan ng mom ko ay Maleficent. At ang kay Mei, ay Meika.
7 years old ako nang kuhain na ako ni Dad mula kay mom. Ganoon din si Mei. November 2, ang araw ng pagkikita namin. Sabay kaming lumaking dalawa. Sabay natutong humawak ng mga baril, sandata at kung anu-ano pa. And I tried so hard not to hate her. But I really don't like her.
"Sana ay parehas tayo ng class, Mal. Ayaw ko ng makita ang kapatid mo doon! So so creepy! Maging ang pagngiti niya ay kakaiba. Hindi normal at parang pilit lang!" muling pagsasalita ni Vee.
"She's up to something.." sambit ko. "Alam kong may gagawin siya.. Mei is not innocent. Dati pa lang ay mapagpanggap na siya. May mga lihim siya at nasa loob ang hinagpis! She's dangerous.." kumuyom ang kamao ko. "But she's no match with me."
Sisiguraduhin kong nasa akin ang kapangyarihan. Maaaring nakaligtas siya sa hukay.. Pero sisiguraduhin kong mamamatay siya sa aking mga kamay.
"Vee.." pagtawag ko.
"What?"
"Huwag kang matakot sa kaniya. After all, siya lang si Mei."
"Dang.. Maging ang mga kaklase kong nakakaalam na patay na siya ay natatakot. Binubully siya dati ng mga 'yon. Baka gantihan niya din--"
"Oh come on! Naalala mo ba noong sinapak ko siya? Pfft! Nakatulog kaagad siya. Mei is weak. Mahina kumpara sa mga kakayahan natin. Hindi siya maaapi kung malakas siya. It's her fault! At isa sa kinaiinisan ko ay mahina na nga siya.. pinupuri pa rin siya ni Dad! F*cking favoritism."
Bumuntong-hininga si Vee saka naupo sa aking tabi.
"First day of school.. unang pasabog kaagad. I never expected this." aniya.
"Tsk! Mamaya... haharapin natin siya.." ngumisi ako. "And by the way.. Na-mimiss ko na rin ang 'kapatid' ko."
"The heck, Mal!"
"What? Hahaha! Isang mainit na yakap ang sasalubong ko sa kaniya. It's been 8 months simula nang huli natin siyang makita sa putikan--"
"Hey! 'Wag kang magsabi ng 'putik'.. Ayoko sa word na 'yon."
"So scared huh?" ngisi ko sa kaniya. "Well.. ipapakita ko kung sino ang tunay na dapat katakutan."
Damn you, my Sister. Anong pakulo mo ngayon?
?My big sister makes me laugh ? She's funnier than anyone?
O___O
"What was that?" tanong ni Vee.
Napatayo kaming pareho nang tumugtog ang kantang iyon ng malakas.
?My big sister makes me laugh.. She's the best, she's number one!?
"s**t! Saan iyong nanggaling?!" pasigaw kong tanong.
Nasa loob kami ng dorm ko at nag-iingay ang kantang iyon dito mismo!! Bullshit! Wala akong kantang ganito!!
?My little sister plays with me~We play games out in the sun?
"f**k! Make it stop, Mal!" sigaw ni Vee.
"Hindi ko nga alam kung saan nanggagaling!?" pagsigaw ko rin at nagkandaugaga sa paghahanap kung saan nangmumula ang kanta.
?My little sister plays with me.. She's the best she's number one!?
"F-fuck.." iyon ang childhood theme song namin ni Mei.