KAYLE MONTREAL NAKANGITING lumingon ako sa lahat nang empleyado sa kompanya ni Ate Demi nakita ko ang gulat sa kanilang mukha dahil mali ang iniisip nila tungkol sa akin na tinuhog ko ang magkapatid na sina Ate Demi at Ate Tasha ang dami nilang kinabit na issue sa pangalan ko. "Kapatid niyo po ba talaga siya Ma'am Demi?" paninigurado ng matandang lalaki na lagi kong nakikita sa Maintenance Department nagaabang naman sila ng sagot. "Yes, kaya lang siya nagpanggap dahil kailangan niya na magtrabaho sa mababang posisyon pero ngayon handa na siya" nakangiting sagot ng Ate ko na bakas ang proud sa boses nito. PAGKATAPOS akong ipakilala ni Ate Demi niyaya niya akong pumunta sa opisina niya napansin ko naman si Elaine na papunta sa Elevator may kumakausap sa kanyang lalaki na tingin k

