KAYLE MONTREAL NAG-INAT na ako nang katawan dahil nangangalay na ito uwian na din kaya ang iba nagsisipagligpitan na ng mga gamit sinulyapan ko naman ang diyosang kasama ko dito na seryoso lang sa ginagawa mag o-overtime na naman yata siguro friday night lang siya lumalabas para makapag relax at doon sa bar siya pumupunta. "Kung aalis ka na pwede ka nang lumabas hindi yung tititigan mo pa ang ginagawa ko" malamig na wika nito habang patuloy sa pagtitipa ng keyboard namula naman ako sa pagkapahiya na nahuli niyang tinitignan ko siya. "Hindi ka pa uuwi?" tanong ko sa kanya saglit siyang tumigil at tumingin sa akin nakakatunaw talaga ang titig niya. "Overtime" tipid na sagot niya ganito ba siya ka workaholic? halos hindi na kumakain sa tamang oras bibihira ko nga lang siyang makit

