5

1777 Words
“Ano ba kasi ang iniisip mo? Baka naman feeling mo lang ‘yan?” sunod niya pang sabi sa akin. “Basta! Iyon ang feeling ko! Kaya gagawa ako ng paraan.” hindi ako papayag na mahulog siya kay Tine. Ang babaeng iyon ay para sa pinsan ko at hindi para kay Shad. “And? Paano naman iyong fiancee mo?” nag-isip ako sa kanyang tanong. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya, pero nang maramdaman ko ang puso kong animo’y alam na alam ang sagot ay sinabi ko na sa kaniya. “Hindi ko iyon itutuloy, wala akong pakialam kung magalit ang pamilya ko sa akin… ngayon ko lamang ipaglalaban si Shad,” sagot ko. “Sure ka na ba d’yan? Alam mo? Mas masaya kung magkikita tayo, e!” tumawa na lamang ako sa kaniyang sinabi sa akin. “Saka na! Ano ka ba! Ilang weeks lang ang ibinigay sa akin para makasama ko si Shad ng straight! Hindi ko pa nga close iyong fiance ni Pivo, kaya medyo nahihirapan ako… siya pa naman ang pinaalam kong kasama ko,” humalakhak si Tiff sa kwento ko sa kaniya. “E, sino tanga? Bakit mo sasabihin na iyon ang kasama mo? Kung narito naman ako? Ano ka ba naman, Sasha! Basta talaga umiibig nagiging tanga talaga!” tumawa pa siyang sabihin iyon sa akin. “Anyways! Mag-aayos na ako rito, sabi niya sa akin ay sabay kaming magdi-dinner kaya mag-aasikaso na ako! Bibili muna ako nang maari kong lutuin para mamaya!” na excited ako! Gusto ko kasi talaga na makasama siyang mag-dinner ulit! Last dinner namin ay halos ilang taon na ang nakakalipas! Kaya naman ngayon na ako babawi! Agad akong kumuha ng bag at agad na umalis sa kaniyang condo. Gustong-gusto ko talaga ang mga ganitong style ng suot ko, iyong simpleng pants lang at white na t-shirt. Mukha pa rin naman akong classy, kaya hindi ko na iisipin ang itsura ko. Para lang akong mag-a-audition sa kung saan-saan para makakuha ng role sa drama or commercial. Nang makapunta ako sa malapit na mall sa condo ni Shad ay agad kong tinulak ang cart ngunit halos umawang ang labi ko sa inis nang animo’y parang may buhay ang isang ito. “Desisyon ka kung saan tayo pupunta?” singhap kong tanong sa cart, dahil tumatagilid ito. Nakakahiya naman kung ibabalik, baka sabihin pa ang arte ko kaya hinayaan ko na lamang. Kahit hirap na hirap akong itulak ang bwesit na cart na ito, dahil siya ang nagdedesisyon kung saan kami pupunta ay hinayaan ko na lang. Kumuha ako ng gusto kong lutuin para sa kaniya. Marunong naman akong magluto at isa iyon sa mga maipagmamalaki ko. “Ouch!” napapikit ako nang may mabangga akong lalaki sa gilid. “S-sorry! Hindi ko sinasadya!” paghingi ko kaagad ng tawad sa kaniya. Tinignan niya lamang ako ngunit agad ring nilampasan. “Ang sungit! Parang si Shad ko lang,” bulong ko sa aking sarili. Masaya akong umuwi sa condo niya nang hawak-hawak ang mga pinamili ko para mamaya. Mabilis lang rin naman ang oras kaya kailangan ko nang handaan ito. Tinignan ko ang orasan nang makita kong mag-aala-sais na pala. Gano’n kabilis ang oras na lumipas kakahanap ko nang pwedeng lutuin sa kaniya. “Ay!” hawi ko pa sa aking kamay nang masugatan ko ang aking sarili. Nahiwa ko ang daliri ko, ngunit hindi naman iyon malaki. Sadyang nagdugo lang talaga kaya agad kong binuhusan ng tubig at ginamot. Naghihintay pa rin ako ng kaniyang tawag ngayon, habang nagluluto. Niligyan ko ng bond aid ang aking hintuturo na nasugatan. Nagulat naman ako sa lasa ng aking niluto dahil hindi naman sa niyayabang ko pero masarap ang aking nilutong adobo sa kaniya. Inihanda ko ang mesa. Na excited naman kasi ako dahil ito na ang first dinner namin together! Feeling ko ay asawa niya na ako! “Ang tagal naman niya? Mag-aalas-otso na,” bulong ko sa aking sarili nang tignan ko ang orasan. Wala rin siyang tawag sa akin. Para akong tanga na naghihintay lamang sa kaniya rito sa loob ng kaniyang condo kaya nang marinig ko ang doorbell sa kaniyang pinto ay nagmadali akong buksan ang candle at agad na tumakbo patungong pinto. Ang ngiti sa aking labi nang buksan ko ang pinto ay agad nawala nang makita ko ang isang lalaki na may dala-dalang pagkain. “Hello! Ma’am! Pinadadala po ni Sir. Shad sa inyo, hindi raw po kasi siya makakasabay sa dinner ngayon at may importante raw siyang gagawin.” unti-unti akong ngumiti sa kaniya at tumungo. “O-oo naman! S-sige… salamat,” sagot ko at kinuha ang pagkain na pinadala ni Shad sa akin. Nang makapasok ako sa loob ay pinagmasdan ko lamang ang ginawa ko para sa kaniya. “Ano ba kasi ‘tong pinag-iisip ko?” natatawa ko pang tanong sa aking sarili. Kasabay no’n ang pagtulo ng aking luha. Wala akong ganang kumain kaya inilagay ko na lamang ito sa ref at niligpit ang nasa mesa. Inayos ko ang kusina niya’t dumiretso sa kaniyang kwarto. Kahit masakit sa aking puso ang nangyari ngayon ay hindi ko pa rin akalain na mas lalong sasakit pa iyon ngayon. “Sasha!” ani ng kaibigan kong si Tiff sa facetime. “Bakit?” tanong ko sa kaniya, kahit kita naman sa mga mata ko ang medyo namumula dahil sa pagluha. “Gusto ko sabunutan ang babaeng iyon ngayon! Akala ko ba ay ikaw ang kasabay niyang mag-dinner ngayon?” tanong niya sa akin. “Bakit? Nasa office siya, busy daw siya…” “Busy my ass!” sabay lipat ng kaniyang camera sa back cam. Halos nanlaki ang mga mata kong makita si Shad sa loob ng resto kasama si Tine na nakain. “Andito kami ngayon ni boyfie, kakain sana kami nang makita ko si Shad! My gosh, Sasha! Mukhang totoo na ata ang sinasabi mo!” naibaba ko ang aking cellphone at agad iyong pinatay. Mabilis kong tinawagan si Shad, gusto kong malaman kung magsisinungaling ba siya sa akin o hindi. Dahil kung magsisinungaling siya ay hindi ko na alam. “H-hey…” nang sagutin niya ang tawag ko. “N-natanggap ko na ‘yung dinner na pinadala mo sa akin… ikaw? Saan ka magdi-dinner?” tanong ko sa kaniya. “Sorry, narito ako ngayon kasama si Architect Tine para dinner meeting with Rejanjo’s…” hindi siya nagsinungaling sa akin. “Kumain ka, ha? Hihintayin kita pag-uwi…” “Yes, take care…” nang sagutin niya iyon ay ako na mismo ang nagbaba ng tawag, dahil alam ko naman na busy siyang tao. “Ano raw ang sabi niya?” tanong sa akin ni Tiff nang tawagan ko siya. “Nagsabi naman siya ng totoo, kasama niya raw si Tine dahil may business meeting sila kasama iyong client,” sagot ko sa kaniya. Ngumuso siya. “Lagi niyang kasama iyon? E, marami naman siyang hawak na architect! Bakit iyong babae lagi ang kasama niya? Hindi ba pwedeng iba naman para sa project na ‘yon?” nilalamon nanaman ako nang kung ano sa aking isipan. “Tiff, calm down… kakausapin ko siya mamaya, ‘yung mga ganitong pangyayari kasi ay dapat pag-usapan, hindi naman niya siguro gusto na makipagbalikan sa akin kung mahal niya na si Tine, hindi ba?” “Maybe? Hindi ko alam,” taray niya pang sagot sa aking tanong. “Ito lang ang masasabi ko sa ‘yo, Sasha. Hindi madaling ipaglaban si Shad, lalo na kung alam mo na ang mangyayari. Sisirain mo ang tradisyon niyo para sa lalaking hindi ka na pala mahal…” marami nanamang pumapasok sa isip ko, hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. “Ngayon ay please lang! Pag-isipan mo mabuti, kausapin mo siya. Kasi kung hindi naman pala siya sure ay aba’y layuan mo na ‘yan, Sasha! Maraming t-ti sa mundo, ‘wag kang magpakatanga!” ngumisi ako sa kaniya at sa ilang pag-uusap pa namin ay ibinaba ko na ang tawag. Halos ilang oras rin ang ginugol ko para pag-isipan ang mga sinabi sa akin ni Tiff. Kaya nang makita kong umawang ang pinto ay agad na akong nagtulog-tulugan. “Baby…” tawag niya sa akin nang makalapit siya. Amoy na amoy ko ang kaniyang pabango na animo’y panlalaki talaga. Nagpanggap pa rin akong tulog sa harap niya, ngunit nang hawakan niya ang kamay ko ay hinaplos niya ang daliri kong may sugat. “Sorry…” bulong niya sa akin at agad na hinalikan ang noo ko. Naramdaman kong umalis na siya sa gilid ko at ilang sagli pa ay narinig ko namang bumukas ang isa pang pinto. Palagay ko’y maglilinis na siya ng katawan niya. Maaga akong nagising kinabukasan nang kumunot ang noo kong makita siyang katabi ko. Hindi ba’t maaga ang pasok niya? “Shad.. you’re late from work,” gising ko sa kaniya, ngunit ngumiti lamang siya at hinila ang kamay ko. Mabilis akong napahiga sa kaniyang dibdib. “Bakit may sugat ang daliri mo?” nakapikit niya pang tanong. Kakagising niya lang ba talaga? Bakit ang bango ng hininga niya? “K-kasi… napadaan ako sa may…” hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kaniya! “Male-late ka na!” pagbabago ko nang usapan. “Nope, hindi ako papasok ngayon. pero may papasukin ako ngayon,” kumunot ang noo ko at napaisip sa kaniyang sinabi. Halos gano’n na lang ang gulat ko nang ngayon ay nasa harap ko na siya. Hawak-hawak niya kabilaan ang aking mga kamay. “Thank you, hindi ako nag-dinner kagabi. Hindi naman ako kumain, kinain ko ‘yung luto mo,” sa malambot niyang boses ay nangatog ang tuhod ko. Umagang-umaga ay basang-basa na ata ako! “S-shad…” nahihiya kong tawag sa kaniya. “Kaya titikman ko naman ngayon ‘yung nagluto…” natawa pa siyang sabihin iyon sa akin at agad na hinalikan ang aking labi. Nasa sandong puti lamang siya ngayon nang yakapin ko siya, habang ang mga labi naman ay hindi naghihiwalay. Ang mainit niyang labi ay humahaplos sa aking labi patungong leeg na tila kinikiliti ang kabuuan kong p********e. “S-shad… ahhh…” ramdam na ramdam ko ang mariin niyang halik sa aking leeg, habang ang haplos niya ay naglalakbay sa aking hita pataas sa aking tyan at natungtong na rin ang aking bundok. Haplos-haplos niya iyon nang animo’y para bang mamahaling bagay na kaniyang binili. “S-shad… ohhh…” dumiin ang halik niya patungo sa aking balagat at tila ang halik niyang paunti-unti akong pinapatay sa sarap. Nang matapos niyang haplusin ang aking dibdib ay dahan-dahan siyang bumaba. Sa bilis niya’y natuntun niya ang aking kaharian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD