Dali-dali akong nagpalit at mabilis na lumabas agad. Ngunit paglabas ko pa lang ay nakataas na ang kaniyang kilay sa akin. “Where’s my phone?” agad kong tanong sa kaniya. “Ako tatawag,” dali niya ring sagot sa akin. “Akala ko ba ay tatawagan mo? Akala ko ay ikaw ang tatawag?” iyon naman ang sinabi niya sa akin. “May lock ang phone mo,” taray niya pa sa aking sabi. Kinagat ko ang aking labi, hindi ko pa pala natatanggal ang lock no’n. “Birthday mo naman ang password, e…” nahihiya ko pang bulong sa aking sarili. “O-okay…” hinawakan niya pang muli ang cell phone ko at agad na umiwas ng tingin sa akin. Pinagmamasdan ko lamang siya ngunit nang silipin ko ang ginagawa niya ay iniwas niya lamang ang cell phone ko. “H-hoy! Ano ang ginagawa mo? Ang sabi ko ay tatawagan si Tiff!” tila hinahabl

