Isla Del Desire 2: Kaemon Paterson Chapter 23 Kaemon’s Pov NAKARATING ako sa lugar kung saan kami magkikita. Pagkarating ko ay nandoon na siya. Nakaupo habang sumisimsim sa kanyang kape. Lumapit ako sa table at masama siyang tinignan. “Hindi mo man lang ako inorderan ng kape?” hindi makapaniwalang sabi ko. Parang di kapatid eh. Sumbong ko talaga siya kay mommy. “May pera ka naman. Mag order ka ng sayo.” Sabi niya sa akin kaya napabuga ako ng hangin at hinila ang upuan saka umupo. “Hindi na. Hindi naman ako magtatagal dito. Sabihin mo na agad kung anong kailangan mo sa akin para makaalis na ako.” Walang buhay kong sa kapatid ko. “Kumusta naman ang Isla?” tanong niya sa akin. “Isla parin. Marami paring tanga na pumapasok sa Isla natin, kuya. Nakikipag s*x sa kahit kanino habang

