Isla Del Desire 2: Kaemon Paterson Chapter 26 Roxanne’s Pov HINDI talaga siya pumayag na ibalik ako sa bahay nila daddy Kamden. Kaya heto ako sa kwarto, nakasimangot at nagkukulong. Wala ang cellphone ko kaya hindi ko matawagan sila mommy. Panay ang hanap ko sa loob ng backpack ko pero wala talaga. Malamang ay kinuha niya at itinago. Nakakainis talaga ang tito Kaemon ko. Ang sarap niyang ibalik sa tiyan ng nanay niya. Gustong gusto yata niyang pinapahirapan ako. Alam naman niyang estudyante ako at walang ibang pamilya. Ang iniintindi lang niya ay ang kanyang sarili. Hindi man lang niya inisip ang mangyayari sa akin sa pagbalik namin sa Manila. May chance na palayasin ako ni daddy Kamden. Baka sabihan ako no’n na kabata bata pa pero malandi na. Natatakot tuloy ako. Na s-stress tu

