Isla Del Desire 2: Kaemon Paterson Chapter 32 Roxanne’s Pov NAKABALIK na ako ng Pilipinas at sinundo ako nila mommy at daddy. Hindi parin nagbabago ang ganda ni mommy. Mas lalo nga yatang gumanda si mommy. Natutuwa ako at nakabalik na ako sa kanila. Si Keegan, mas matangkad na sa akin. Hanggang kilikili na lang niya ako. Dati kasi ay mas matangkad ako sa kanya. Ang bilis talaga niyang tumangkad. Naunahan na niya ako. Nagmukha tuloy akong bunso sa kanya. Nandito na kami sa bahay at may hinanda sila mommy na pagkain. Sobrang dami eh kami lang naman sana. “Masaya akong nakabalik ka na, Roxanne.” Sabi ni daddy Kamden. “Masaya din po ako na nakabalik na po ako dito, daddy. Thank you, thank you po sa tulong niyo sa akin. Hindi ko po ito magagawa kung hindi ko dahil sa inyo.” Pagpapasalam

