Chapter 78 Josephine’s Pov NANDITO KAMI sa office ni madam K upang harapin ang lalaking nahuli ni Vin. Nandito din si Kamden na agad lumapit sa ‘kin at hinawakan agad ang kamay ko. Nakaupo ang lalaki sa harap ng upuan sa office table ni madam K. Hawak siya ng guard na tumulong kanina. Nandito din si Vin at Dan. Si Dan na ang umalalay kay Vin dahil baka kapag nakita ako ni Kamden ay dagdagan pa niya ang pasa ni Vin. “Anong problema na naman ito?” Tanong ni madam K sa masungit na boses. Agad kong kinuha sa bulsa ni Kamden ang mga notes na iniwan ng lalaking nahuli ni Vin. Lumapit ako sa table ni madam K at inilapag ang mga notes. Mabilis na kinuha ni madam K ang isang note at binasa niya ito saka tumingin sa lalaking hawak ng guard. “Ikaw ang may gawa nito?” Tanong ni madam K sa

