Chapter 66 Josephine’s Pov PANAY ang pangungulit ko kay Kamden na babalik na ako sa room ko. Ayaw naman niya akong payagan at kanina pa niya ako pinipigilan. Umaga na kasi pero gusto niya ay nandito lang ako. May pasok na kasi ako mamayang 2PM pero panay ang sabi ni Kamden na kakausapin daw niya ang kapatid niya para hindi ako mag duty. Napangiwi naman ako dahil kakasahod ko lang kahapon pero absent na agad kinabukasan ang gusto ni Kamden. Baka mabatukan na ako ng kapatid niya. “Aalis na kasi ako..” sabi ko pa kay Kamden habang pinipilit na umalis sa pagkakahiga sa kama. “Dito ka nalang kasi, ate Jo. Ako ng bahala. Basta dito ka lang sa tabi ko.” Pagpupumilit din niya sa gusto niya. Napakakulit talaga niya. “Ang tigas naman ng ulo mo eh,” sabi ko pa habang nagkakamot sa likod ng

