Chapter 98 Josephine’s Pov LAGI AKONG tulala simula ng masaksihan ko ang krimen na ginawa ni Esmael. Mas lalo lang akong natatakot sa kanya at iniiwasan. Ayaw kong lumapit sa katulad niya. Natatakot ako na baka gawin niya din yun sa ‘kin. Sa sobrang takot ko sa kanya ay hindi na ako lumalabas ng kwarto. Minsan-minsan ay si Veronica ang pumupunta dito sa kwarto ko at dinadalhan ako ng pagkain at gatas. Sinabi ko sa kanya ang narinig ko nong araw na yun pero ang sabi niya ay baka ang narinig ko daw ay drama na pinapanood ni Esmael. Baka daw nanonood siya ng palabas ng araw na yun at baka yun daw ang narinig ko. Pinipilit niya nagkakamali lang daw ako. Ngunit pinipilit ko din na totoo ang narinig kong baril at hindi sa drama lang. Tinawanan lang niya ako dahil kalokohan lamang daw an

