Chapter 109 (Ito po yung oras na tumatakbo si Josephine at Dan sa kagubatan) Kamden’s Pov KASAMA ko ang mga kaibigan ko na naghahanda para salakayin ang kinaroroonan ni Josephine. Mabilis lang nahanap ng asawa ni Ruby kung saan ang kuta ng animal n Esmael samantalang ang dalawang lalaki ay ang tagal nila mahanap. Natuklasan ko na si Veronica pala ang may gawa. Tauhan niya ang pumalit sa totoong mga pinadala ng asawa ni Ruby. Nalaman ni Atreus na tinambangan ang sasakyan ng dalawa niyang tauhan. Nakita na lamang ang kotse sa kagaubatan at tinadtad ng bala. Kaya naman pala panay ang pasok ni Veronica sa room kapag pumupunta dito. Duda ko ay dalawa ang agenda niya kapag pumupunta siya sa bahay ko. Yun ay ang landiin ako at tinitignan ang mga tauhan niya kung ginagawa ba nila ang gusto

