Chapter 13 Josephine’s Pov NAGSIMULA NA kaming uminom ni Kamden at talagang napapangiwi na lamang ako sa t’wing sa ‘kin na ang baso. Ayaw ko naman sanang uminom pero wala naman akong choice dahil inaabot sa ‘kin ni Kamden. Bawal mag pass dahil lami lang naman dalawa. “Ang tapang ng alak, Kamden. Nakaka apat na shot na ako pero ang pait parin.” Reklamo ko sa binata. Tumawa siya ng mahina at para bang wala lang sa kanya ang sinabi ko. Nakakainis talaga ang Kamden na ‘to. Halata din sa kanya na sanay na sanay na siyang uminom ng alak. “Nakakainis ka! Dinadaya mo pa yata ang sukat ng alak eh,” dagdag ko pang reklamo. Kapag sa ‘kin kasi ang taas ng sukat. Kapag sa kanya hindi masyado. Napapansin ko talaga na dinadaya ako ng batang ‘to. “Hindi naman, ate Jo. Hindi ko magagawa sayo yan.” S

