Chapter 10 Josephine’s Pov PANAY ang hawak ko sa gilid at baka malunod ako. Hindi ako marunong lumangoy kaya double ingat ako. Si Kamden naman ay nakaupo parin at panay ang inom sa wine glass niya. May balak yata siyang ubusin ang wine na kinuha niya. Nakatitig lang din siya sa ‘kin kaya hindi ko mapigilang hindi mahiya. Ang dami ko talagang hindi alam sa buhay. Hindi pa marunong lumangoy. Magpapakitang gilas sana ako kay Kamden pero baka hindi ako maka ahon at baka lumubog na pala ako sa ilalim ng dagat. Ang galing talaga ng cave na ‘to dahil may dagat. Ang kinagandahan din ay hindi hahapdi ang mukha ko kahit magdamag pa akong magbabad dito. Binabasa ko na lamang ang buhok ko gamit ang kamay ko saka ko pinapatakan ng tubig. Para kunwari naligo ako kahit ang totoo ay hindi talag

