Chapter 86 Josephine’s Pov NATATAKOT na ako para sa buhay ko at buhay ni Vin. Kailangan ko siyang tulungan ngunit hindi ko magawa dahil kay Dan na may hawak na kutsilyo at handa kaming patayin ni Vin. May saksak na ako at pilit kong hinaharang ang kamay ko sa tagiliran ko upang tumigil lang ang dugo. “Kailangan ko ng tapusin ang mission ko ngayong gabi para makaalis na ako sa islang ‘to.” Saad ni Dan saka siya ngumiti na parang demonyo. “Uunahin ko ang kaibigan mong pakialamero!” Sigaw niya saka siya lumapit kay Vin na nakahandusay sa sahig. “W-Wag please!! Maawa ka, Dan..” pagmamakaawa ko at hindi na napigilan pang lumuha dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ngunit tumawa lang si Dan na parang nang iinis sa ‘kin. Alam niyang wala akong magagawa. Gusto ko nalang sigawan si Dan ngun

