Chapter 92 Josephine’s Pov NAGISING AKO dahil sa ingay mula sa banyo. May sumusuka yata kaya agad kong iminulat ang mata ko at nakitang wala si Kamden sa tabi ko. Napaupo agad ako habang kinukusot ang isa kong mata. Naghihikab din ako dahil inaantok pa ako. Tumingin din ako sa bintana at nakitang umaga na din pala. Napasarap na naman yata ang tulog ko. Hindi ko nga alam kung nagtatrabaho pa ba ako dito sa Isla o hindi na. Lagot talaga ako kay madam K kapag nakita niya ako. Sigurado akong sermon na naman ang aabutin ko. Mas matanda ako sa kanya pero para kay madam K ay wala sa edad-edad ‘yon. Kapag galit siya at talagang galit siya kaya dapat ay pumasok na ako ngayong araw. Pero ang iniisip ko ay si Kamden. Simula ng malaman kung may kakaiba sa kanya ay hindi ko magawang pumasok.

