Chapter 17 Josephine’s Pov NAGISING ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Agad kong itinaas ang kamay ko upang takpan ang mukha ko dahil nasisilaw ako. Ayaw ko pang bumangon pero pakiramdam ko ay tanghali na kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Bumungad agad sa paningin ko ang bintana na hindi natatakpan kaya naman pala tumatama ang sikat ng araw. Napabalikwas ako ng bangon ng mapagtanto ko ang bintana. Agad akong tumingin sa paligid at napansin na nasa cabin pala ako. Tumingin ako sa katawan ko at nakitang may suot akong damit. Agad na kumunot ang noo ko ng maalala ang nangyari kagabi. Tandang-tanda ko na umuungol ako kagabi at ang galing ni Kamden bumayo. Yun lang ang naalala ko at hindi ko na alam kung anong nangyari pagkatapos. Nawalan ba ako ng malay

