Chapter 27 Josephine’s Pov NAGISING ako dahil sa mga boses na naririnig ko sa paligid. Boses ng matandang babae at isang babae ‘yon. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ang isang matandang babae at isang babae na sa hula ko ay kasing edad ko lang. “Gising na siya, nanay.” Sabi ng babae ng makita nila akong gising na. Agad akong napabangon at tumingin sa paligid. “Ayos ka lang ba, hija? Kumusta ang pakiramdam mo?” Tanong niya sa ‘kin. Tumingin lang ako sa matanda at sa babaeng kasama niya. Nagpalipat lipat lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Mukhang ito yatang matandang babae ang kasama ng lalaki sa sasakyan kung saan ako umakyat upang makatakas sa mga inutusan ni Esmael. Bigla kong naalala ang mga sugat ko kaya mabilis kong tinignan ang braso ko. Doon ko lang

