Chapter 75 Josephine’s Pov KASAMA KO Vin ngayon dahil kami ang nakatoka sa paglilinis ng limang room. Siya ngayon ang assistant ko kaya panay ang utos ko sa kanya. Hindi naman nagrereklamo si Vin at panay lang ang tawa niya kapag inuutusan ko. Nakakailang room na din kami kaya medyo pagod na ako. Pero sa t’wing naiisip ko na konting room nalang ang lilinisan namin ni Vin ay gumagaan na ang pakiramdam ko dahil alam kong matatapos din kami agad. Nauna si Vin maglakad papunta sa isang room habang tulak-tulak niya ang cart kung saan nakalagay ang mga gagamitin namin panglinis. Sumunod ako kay Vin at pumasok ako sa room. Ngunit napahinto ako sa paghakbang ng mapansin ko na nakayuko si Vin sa sahig at para bang may nilalagay sa sahig. “Anong ginagawa mo, Vin?” Tanong ko sa kanya kaya nap

