Isla Del Desire 2: Kaemon Paterson Chapter 14 Roxanne’s Pov PANAY ANG titig ko kay tito Kaemon habang kumakain kaming dalawa. Nakaligo na kami at mabuti nalang at wala siyang ginawang kapilyuhan. Hindi niya ako ginalaw tulad ng sabi niya. Nagluto din siya ng almusal namin at wala akong ginawa kundi ang umupo lamang habang siya ay nagluluto ng pagkain namin. Ang suot ko ay tshirt niya. Malaki sa akin kaya nagmukhang dress tuloy sa akin. Hindi niya ako pinagsuot ng bra dahil ayon sa kanya ay mainit daw ito. Kaya panty na lamang ang suot ko sa loob. Siya pa talaga nagbihis sa akin. Pashnea talaga siya. Ako naman ay takot sa kanya kaya hinahayaan ko na lamang siya sa gusto niya na dapat ay hindi. Hindi ko kasi makalimutan ang ginawa niyang pananakal sa akin kanina. Sa takot ko na baka

