Isla Del Desire 2: Kaemon Paterson Chapter 34 Roxanne’s Pov PANAY ang tingin ko sa paligid kung saang restaurant kami magkikita. Napagdesisyonan kasi nila lola at lolo na sa restaurant na lang daw icelebrate. Nakatanggap ako ng tawag mula kay mommy kagabi at sinabi niya kung saang restaurant at kung anong oras. 6PM na din at masasabi ko na napaaga yata ako ng punta. Hindi na kasi ako pumunta sa bahay nila mommy at daddy at dito na dumiretso. Nagsuot lang din ako ng simpleng dress at hinayaan ko lang ang mahaba kong buhok na nakalugay. Umaasa kasi ako na magpapakita si tito Kaemon. Tinungo ko ang isang restaurant na open area pero halatang mamahalin ang mga pagkain dito. Panay ang tingin ko sa paligid at baka nandito na sila mommy. Para naman may kasama ako. Ngunit hindi ko sila ma

