Chapter 20 Josephine’s Pov ISA ITO sa mga malungkot na nangyayari sa buhay ko. Ang umalis sa islang ‘to. Ang bigat ng puso ko dahil hindi ko na makikita ang magandang tanawin at higit sa lahat ay hindi ko na makakasama si Kamden. Ngayong araw ay nasa yacht na kami. Uuwi na talaga kami ng Manila. Gusto kong pigilan ang mga oras dahil ayaw ko pa talagang umalis sa islang ‘to. Nakakalungkot lang dahil natapos na ang bakasyon ko. Tapos na ang maliligaya kong araw. Kanina pa ako malungkot at mag isang nakatayo at nakatanaw sa isla habang umaandar ang yacht. Gusto kong maglupasay at sabihin kay Kamden na ayaw ko ng bumalik ng Manila. Pero hindi naman pwede dahil may buhay akong kailangan harapin. Para akong bata na nakatanaw sa isla. Yung tipong ayaw mo ng umalis pang muli sa lugar. M

