Part 2

564 Words
Ilang araw pagkatapos ng kanyang check-up muli nanamang inatake si Stephy ng sakit ng ulo. Pakiramdam nya ei mabibiyak na ito. Inuumpog nya na rin sa dingding ang kanyang ulo habang nakasabunot ang kanyang kamay sa buhok. Sumisigaw na siya sa sobrang sakit. Nasa kwarto sya noon kaya di sya naririnig ng kanyang anak na naglalaro sa sala. Hinanap nya ang pain reliver na tablet na binigay ng doctor at ng makuha dali-dali nyang itong ininom. Makalipas ang ilang sandali humupa na ang sakit. Halos mag-iisang linggo syang ganon kaya medyo naapektuhan ang kanyang kalusugan kaya ang laki agad ng kabawasan nito sa kanyang timbang. Ang kanyang Mister ay tila bulag na at di napapansin ang pinagbago ng kanyang katawan. Pero okey lang yon kasi mas pabor iyon sa kanyang hindi mapansin nito dahil nagpasya syang itago ang lahat tungkol dito. Araw ng pagkuha nya ng result. Nagtungo sya sa doctor, pinasya nyang ewan saglit ang kanyang anak sa kanilang kapit bahay. Pagdating niya sa hospital, kinausap sya ng doctor. Malungkot na ipinaliwanag sa kanya ang resulta. Matapos magsalita ang doctor, basang-basa na sa luha ang kanyang mga mata. Wala siyang maisagot o masabi manlang. Hinagod ng doctor ang kanyang likod habang siya naman ay walang tigil sa pag-iyak. Isa lang ang kanyang naintindihan sa sinabi ng doctor na may malubha syang karamdaman. Binigyan sya ng santambak na resita pero alam nya na wala ng maitutulong pa ang mga iyon. Paglabas niya ng hospital, pinasya niyang maglakad-lakad para makapag-isip. Makalipas ang isang oras, nagpasya siyang umuwi ng kanilang bahay. Kumilos siya na parang walang nagyari. Dumating ang asawa niya ngunit wala siyang sinabing kahit ano tungkol sa kanyang sakit. Ayaw niya itong mag-alala kaya nagpasya syang ilihim ang lahat. Ngunit ang dating sigla at lakas ng kanyang katawan ay unti-unting nagbago pagkalipas lang ng isang buwan. Madalas na rin siyang sumpungin ng sakit ng ulo. Kahit sa gabi, sinusumpong sya. Para maiwasang di matuklasan ng asawa ang kanyang sakit. Nagkukulong sya sa CR, binubusalan niya ng towel ang kanyang bibig at don sya maghihirap hanggang sa humupa ang sakit. Ang kanyang angking ganda ay unti-unti na ring nababahiran ng kanyang sakit. Payat na siya ngayon at nangangalumata palagi, medyo maputla na rin ang kulay nya. Ngunit pinipilit pa rin niyang wag malaman ng kanyang asawa. Kaya kumikilos pa rin siya ng normal. Ngunit pagdating sa s*x life nilang mag-asawa doon ang pinaka naapektuhan. Halos hindi na nya mapagbigyan ang kanyang mahal na asawa. Nanghihina kasi siya at kung pagbibigyan niya ito lalo lang madagdagdagan ang panghihina niya. Katulad ngayong gabi, nagsisimula ng maglumikot ang kamay ng kanyang asawa. Pinisil-pisil ang kanyang dibdib habang hinahalikan ang kanyang batok. Nararamdaman na rin niya ang kahandaan nito dahil dumidikit ang kahandaan nito sa kanyang likuran. Habol na rin ang paghinga nito, na palatandaan na matindi na ang pangangailangan nito. Maging si Stephy ay miss na miss na rin ang kanilang pagniniig. Ngunit nais man niya itong pagbigyan, wala siyang magawa. Tinabig nya ang kamay nito at umusod palayo sa asawa. "Mahal, pasensya na masama talaga ang pakiramdam ko ei,matulog na tayo ha." "Ano bang kaartehan ito huh Stephy! Halos magdadalawang buwan ng hindi natin to ginagawa dahil ayaw mo! Ano bang problema mo huh?!" "Pasensya na mahal, talagang masama lang ang pakiramdam ko." Iyon lang at naramdaman niyang marahas na bumangon ang kanyang asawa sa kama. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD