Chapter Two: Transfer Students

1242 Words
Misha's POV DAMN. Yan na lang ang paulit ulit na umiikot sa isip ko habang naglalakad ako sa hallway ng Wildford's Academy. Inaantok pa ko dahil hanggang ngayon ay napapanaginipan ko pa rin ang nangyari sa akin noong Birthday party ni Claudia. Parang isang masamang panaginip lang iyon na hindi ko makalimutan. Naghihikab pa ko ng makakita ako ng isang tumpukan ng estudyante sa pinakadulo ng hallway. Nilapitan ako dun at saka ko kinalabit ang isang estudyante. "Anong meron dyan Miss?" tanong ko ng kalabitin koi sang babaeng estudyante. "May binubully na naman kasi si Claudia," sabi nung babaeng estudyante na hindi man lang tumingin sa akin. Napataas ang isang kilay ko dahil doon. Si Claudia nambubully na ngayon, bago yun ah, siguro dahil ngayon na lang ulit ako pumasok ng school. "Padaan," pagkasabi ko nun ay tinabig ko yung babae. "Ano———-" sinamaan ko siya ng tingin. Hindi na nya itinuloy ang sinasabi nya at agad na napaatras siya at halos mawalan ng kulay ang mukha nya. Nagpatuloy ako sa pagpunta sa harap ng tumpok ng mga estudyanteng naroon. Hanggang sa makarating ako sa harapan. Nakita ko nga si Claudia sa gitna nun. Ang kapal ng mukhang mambully ng babaeng to eh ni hindi nga siya makaporma sa akin. Nang sasampalin na nya yung nerd na binubully nya ay nagsalita ako. Hindi nya kasi ako napansin dahil nakatalikod siya sa akin. "So, ganyan pala ang ginagawa mo dito habang wala ako dito Claudia?" Biglang napatingin si Claudia sa akin at halos mawalan ng kulay ang mukha nya, nakita ko rin ang takot sa mga mata nya. "Misha?!" "Oh, Hi, b***h, gusto mo bang maranasan ang kung anong ginagawa mo sa kanya? parang gusto kong iparanas sa iyon," pagkasabi ko nun ay sinampal ko siya. Halos tumumba siya sa lakas ng sampal ko sa kanya. "Masakit ba?" tanong ko sa kanya. Masama lang siyang tumingin sa akin habang nakahawak ang isang kamay nya sa pisngi nya. Hindi siya sumagot sa akin. Nilapitan ko siya at inilapit ang bibig ko sa tenga nya at mahinang nagsalita. "Ikaw na pala ang nagrereyna-reynahan dito, sisiguraduhin kong magiging isang living hell ang buhay mo sa school na to, ilang buwan lang akong nawala kung ano-anong kababalaghan na ang ginagawa mo, welcome back to me," pagkasabi ko sa kanya nun ay tumingin ako ng diretso sa mga mata nya at ngumiti ng matamis. Nakita ko namang mas namutla siya sa sinabi ko. Tumingin naman ako sa buong paligid. "Ano pang itinatanga nyo dito?" Agad namng nagsipulasan ang lahat ng estudyante doon at naiwan ako, yung nerd na binubully at si Claudia. Oh by the way hindi ko pala nasabi sa inyo na ako ang president ng student council. Wala naman silang magagawa dahil takot silang lahat sa akin. Tumingin ako kay Claudia. "Ikaw ano pang itinatayo-tayo mo dito, gusto mo pa ba ng isang sampal?" nakataas ang isang kilay na tanong ko sa kanya. Bigla namang tumakbo si Claudia. Napangiti ako dahil doon. Napatingin namang ako dun sa nerd na hanggang ngayon ay nakahalik sa sahig este nakaupo pala. Muntik ko pa siyang makalimutan. "Ikaw, okay ka lang ba?" Nakita ko siyang tumango. "Tsk, Kung ganoon, tumayo ka na diyan nagmumukha kang kawawa diyan eh," Agad naman siyang tumayo pagkatapos ay tumingin sa akin. "You're a new student here, right?" paano kong nasabi ngayon ko lang kasi siya nakita dahil halos lahat ng estudyante dito sa Wildford's Academy ay kilala ko ang mukha. "O-oo, ang pangalan ko nga pala ay Althea Andreda, transferee student," "Ilang buwan ka na bang nandito?" curious kong tanong sa kanya. "Ah, Mag-tatlong lingo pa lang ako dito," "Ano naman ang ginawa mo para pag-initan ka ni Claudia?" "Sabi nya hindi daw ako nababagay dito, kasi nerd daw ako at hindi maganda," Napataas ang dalawa kong kilay. "Sinabi nya yun, ang kapal naman ng mukha nya, makinig ka sa'kin Althea, you're beautiful and smart, kung pagkukumparahin kayong dalawa wala siyang binatbat sa'yo, puro lang yun ganda wala namang utak, huwag ka na ulit magpapaapi sa b***h na yun naiintindihan mo ba?" Nakita ko siyang tumango. "Good, go to your classroom now, malapit ng mag-umpisa ang klase nyo," pagkasabi ko nun ay tinalikuran ko na siya at nag-umpisang maglakad palayo sa kanya. Bad trip naman oh. Inis kong sambit sa isip ko habang papunta naman ako sa rooftop ng building namin kung nasaan ang isang greenhouse. Math ang subject namin ngayon kaya hindi ako papasok mababagot lang ako. At saka ayoko nung prof. namin doon akala mo kung sinong matalino, ang mga simpleng math problem ay ginagawa pa nyang mahirap para sa mga estudyanteng hirap na ngang makaintindi sa math ay ginagawa pang komplikado ang lahat. Pagkarating ko sa greenhouse ay agad akong nagpunta sa damuhang nandoon at nahiga. Makalipas pa ang ialng minute ay nakatulog na ko. Someone's POV Hindi ko akalain na ang babaeng iniligtas ko noong nakaraang araw ay nag-aaral sa Academy na pinagtraferan namin ng bestfriend kong si Edward. Kanina habang naglalakad kami sa hallway ay naamoy ko ang isang pamilyar na scent. Sinundan ko siya ng magpunta siya ng rooftop. Nakita ko siyang pumasok ng greenhouse. Pero nagpunta naman ako sa ibang bahagi ng rooftop kung saan makikira ko siya kahit na hindi ako pumasok ng greenhouse. Napangiti ako ng makakita ako ng isang puno doon na malapit lang sa greenhouse pero hindi naman iyon pansinin masyado. Inakyat ko yun pagtingin ko naman sa loob ng greenhouse ay nakita ko siyang nakahiga na sa damuhan at mukhang payapang natutulog. Ilang oras din akong nandoon lang, nakatanaw at nagmamasid. Ng hindi na ko makatiis ay bumaba na ko ng puno at tuluyan ng pumasok ng greenhouse. Tahimik akong lumapit sa kanya. Tumalungko ako sa harap nya at tinitigan nya. MINE. Bigla ko na lang nasambit habang nakatingin sa kanya. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko umangat na ang kamay ko at marahan kong hinawi ang ilang hibla ng buhok nyang tumatabing sa maamo nyang mukha. Misha's POV Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong parang may nagmamasid sa akin at makaamoy ako ng isang kaaya ayang amoy. Hindi ko n asana papansinin kaso nang maramdaman kong may parang may humahawi na sa buhok ko ay unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang isang mukha ng isang lalaki. Naka-eyeglasses siya pero hindi ko siya masasabing nerd siya dahil parang masdumagdag lang sa kagwapuhan nya ang eyeglasses nya. Nagsalubong ang mga mata namin. May ilang sandali pa akong napatanga sa kanya ng Makita ko siyang ngumiti sa akin. "You are trespassing Mr." sabi ko sa kanya. "I'm not a trespasser, I'm a student here," sagot nya sa akin. WTF hindi lang siya gwapo, ang sarap pang pakinggan ng boses nya. "Pero ngayon lang kita nakita rito," sabi ko ulit sa kanya. Parang gusto kong matulala ng ngumiti ulit siya sa akin. "I'm a transferee student here," "Ahh," "I'm Jacob, and you are?" "Misha, sige alis na ko," pagkapakilala ko ay tumayo na ko. Tatalikod na sana ako ng magsalita siya ulit. "It's a pleasure to meet you, Misha," pagkasabi nya nun sa akin ay hinila nya ang kamay ko pagkatapos ay sinapo ng isang kamay nya ang batok ko at saka ako hinalikan sa mga labi ko. It's not like an ordinary kiss on the lips, it's a passionate kiss. Bago pa ako makapagreact ay naghiwalay na ang mga labi namin at nakalayo na siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD