Chapter 45 Via Jonda Simula nung naglasing-lasingan gone wrong ako, sobrang naging cold na si Cyrus sa akin. In a way na sobra niya akong iniwasan. Kaya mas lalong naging malapit siya sa adviser niya. Sobra-sobrang insecurity ang naramdaman ko dahil kay Heart. Mataas ang self-confidence ko dahil naging matagumpay naman ako sa buhay, maraming naipundar, hindi galing sa yaman ng magulang ko, at kung sa itsura lang din naman. hindi ako papahuli. Sablay lang talaga ako sa edad. Aminadong hindi na bata, hindi na sariwa gaya ni Heart. Dapat ay natutuwa na ako dahil nakatagpo na si Cyrus ng babaeng makakapagpatino sa kanya, hindi lang basta babae kundi ginagalang, propesyonal, at tingin ko ay mahal at concerned sa kanya. panatag na sana na kanya mapupunta si Cyrus pero kasi… Nagseselos at

