~Cyrus De Silva~
Pagkatapos naming mag-usap ni Ms. Rama sa bahay niya, papauwi na sana ako nang makita ko si ninang na pumasok sa isang coffee shop kasama ang amiga niyang si Tita Mildred.
Palihim akong pumasok sa loob ng coffee shop, släsh delivery service, släsh flower shop kung saan galing ang mga bulaklak at chocolates na pinapadala ng secret admirer niya.
Bakit kaya sila nandito? Siguro ay nagkaroon na ng lakas ng loob ang manliligaw ni ninang? Dito sila magkikita? Napa ikot na lang ang mata ko, feeling teenager si gurang, may pa eyeball eyeball pang nalalaman.
Oo, naiinis ako. Inis na inis at nagseselos sa mader fvcker na secret admirer ni ninang. Concern lang naman ako. Bakit hindi sa bahay pumunta ang manliligaw niya kung talagang seryoso yun sa panliligaw? Bakit kailangan pang si ninang ang papuntahin at abalahin? Gaya ng sabi ni Via, masyado siyang busy kaya lagi siyang wala sa bahay. So, baka ito pala ang pinagkakaabalahan niya. Lately, napapansin kong lalong gumaganda si ninang, parang blooming. Baka may iba nang nagdidilig? Napa-praning ako sa kakaisip. Concern lang talaga ako. Paano kung scammer lang pala? Gusto maging sugar baby? Tapos sa huli, iiwan lang din siya at sasaktan. Hindi ako makakapayag ng ganu'n. Kaya ngayon pa lang habang nanliligaw pa lang ay puputulin ko na ang anumang kabaliwan nila hanggat maaga pa.
At nang may lumabas sa counter na isang lalaki, may edad na rin. Sa tingin ko ay kasing edad ni ninang o kung mas matanda man ay mga dalawa o hanggang limang taon lang ang tanda.
Aaminin kong gwapo at matikas ang lalaki. Maputi, matangkad, at gwapo. Parang pang male lead sa mga nobela. Hindi naman nakakapagtaka kung liligawan niya si ninang dahil kahit gurang na si Via ay maganda at sexy pa rin, mas hot pa nga siya sa mga kaedad kong wala pang mga anak pero mukha ng nabinat times 3. Elegant, demure, sophisticated… ganyan si Via kaya hindi na nakakapagtaka kung maka bingwit man siya ng CEO.
“Good morning, Ms. Jonda,” bati ng nasa cashier na lalaki. Abot tenga pa ang ngiti.
Namumula ang pisngi ni ninang at si Tita Mildred na gurang na rin ay halatang kinikilig.
“Ikaw naman, Mr. Adonis… Via na lang ang itawag mo sa'kin. Parang nakakatanda yung pag tinatawag ako sa last name ko,” mahinhing sabi ni Via na nagfi-feeling sweet sixteen. Ang pagkakabigkas pa niya ay parang tono ni Ruffa Mae.
“Ay oo nga, Adonis. Pang tanderbolt pa yung tunog ng apelyido niya. Kaya Via na lang itawag mo sa bff ko,” singit ni Tita Mildred at nagtawanan silang tatlong gurang.
“Alright. Pwede bang Andy na lang din ang itawag mo sakin?”
“Sher, Andy,” sagot ni ninang. Ugh. Kairita!
Pagkatapos nilang mag-usap sa counter at mag fill out ng kung ano man ang sinusulat ni Via dun sa papel, pagkatapos nun ay umupo na sila ni Tita Mildred sa sulok na maraming halaman at bulaklak. Maganda ang ambiance ng coffee shop dahil isa rin itong flower shop. Pang insta, ang aesthetic.
Palihim ko silang sinundan dun naman ako sa kabilang table, pumwesto ako sa likod ni ninang. Hindi pa rin nila ako napapansin dahil mukha lang akong delivery rider na naghihintay ng parcel.
Nilapitan ako ng staff at tinanong kung anong order ko at ang sabi ko ay mamaya na lang kapag dumating ang ka meet up ko kahit na ang totoo ay sila ninang lang naman ang hinihintay ko. Para lang akong detective na nag spy, nag mamanman, secret agent, o undercover.
Pinakinggan ko ang usapan nila ninang nang umalis na ang staff at iniwan ako.
“Mare, kumusta na alaga mo?” tanong ni Tita Mildred. Dumating na rin ang order nilang kape at cheesecake.
“Ayun buhay-buhayhan sa new work niya at sa school,” sagot ni Via.
“Buti naman. Mukhang nagtitino na. Mukhang effective yung ginagawa mo.”
“Hindi ko lang alam mare. Mukha ngang nagiging worst,” sagot ni Via at humigop na lang ng mainit na kape sa katanghalian ng araw.
Ako pala ang magiging topic nila. Akala ko ay ang manliligaw niya.
“Grabe noh? Bakit naman ganyan magbiro amg tadhana. Imagine, yung ala-alaga mo simula pagkabata, tinuring mo nang tunay na anak, siya pa magpaparanas sa'yo ng kasukdulang ligaya at sarap ng bengbeng bangbang—”
“Mildred!” saway ni Via. Nahihiya siya sa bulgar na bibig ng kumare niya.
“Bakit? Totoo naman. Habang kinukwento mo nangyari sa inyo, nilalabasan na ko. Kwento pa lang yun, wet na wet na ko. Paano pa kaya kung ako na mismo ang nakaranas nun, aahh sarap—”
“Oh my, Mildred. Nakakahiya ka. Tumigil ka na nga.” Napayuko si Via sa hiya.
Napangiti naman ako. So, ganun pala.
“Mildred, sinasabi ko sa'yo… huwag na huwag makakarating kay Claudine…”
“Ay oo naman.”
Saglit silang tumahimik at ninamnam ang pagkain. Habang ako ay naghihintay lang sa kwentuhan nila.
“Pero tingin ko…” muling panimula ni Tita Mildred sa usapan nila kaya medyo nilapit ko ang tenga ko sa direksyon nila. “I think, Claudine wouldn't mind it. I mean, hello, siya nga nagpapakasaya sa AFAM niya. Aba, mas deserve mo ang masarap na American sausage. Ikaw ang gumanap sa lahat ng mga responsibilidad niya noh. Ikaw ang sumalo sa lahat ng stress at mga bayarin diyan sa pasaway mong alaga na batugan, bad boy, pariwara ang buhay. Kung hindi lang gwapo eh… wala na kong magandang masasabi. Kung hindi dahil sa'yo dalawa lang ang patutunguhan niyan, kung hindi sa city jail eh sa kabaong. Ang lagay ba, puro pahirap na lang ang ibibigay sa'yo? Habang yung nanay niyan eh pasarap lang sa buhay. Ang unfair di ba?”
Grabe naman si Tita Mildred sa'kin, nasasaktan man ang puso ko sa sinabi niya. Pero totoo naman lahat yun. Malamang sa malamang, kung hindi dahil kay ninang ay nakakulong na ko o kaya ay pinaglalamayan, matagal na. Totoo ring deserve ni Via ang lumigaya.
“Pero mare, nakakahiya naman kasi di ba. Nagmumukha akong groomer. Ano na lang ang sasabihin ni Claudine? Parang mas masahol at malala pa ang ginawa ko kaysa kanya. At least normal lang yung magka AFAM matapos mabyuda, pero ang bembangin ang ampon ay sobrang sagwa. Maling-mali.”
“Well… may point ka naman. Mahirap talaga mahusgahan. Deserve mo rin naman ang gwapo, matangkad, may-ari ng flower shop na may pangalang Adonis.. Aaacckk,” sabi ni Tita Mildred na parang bulateng sinabuyan ng asin sa tindi ng kilig. Sinaway siya ni ninang sa sobrang kahihiyan kahit na konti pa lang naman ang tao.
Grabe, ang sakit talaga ng nalaman ko. Para akong sinampal ng isang litrong bote ng kape. Ang sakit marinig ng katotohanan na may ibang gusto at may ibang manliligaw si ninang na mas higit pa aa akin… milya milya ang higit.
Hanggang sa lumapit na ang staff ng coffee shop at natigilan sila. May dala na itong bouquet of red roses at cake.
“Here's your order mam, bouquet of red roses and blueberry cheesecake. Paki-check na lang po and also, same address pa rin po ang location ng padadalhan and still from anonymous sender…”
Nagulat ako sa sinabi ng staff. Tama ba ang narinig ko?
“Yes po. Medyo agahan niyo lang ng konti ang pag-deliver,” sagot ni ninang at inayos na ng staff ang in-order niya.
Silang dalawa na ulit ni Tita Mildred ang nag-usap. Hindi pa gaanong nag sink in sa isip ko ang narinig ko. Tama ba ang pagkakaunawa ko? Pinapadalhan ni ninang ang sarili niya ng flowers at chocolates, at cake?
“Hay naku naman, Via. Hanggang kailan mo gagawin yang kalokohan na yan?” tanong ni Tita Mildred.
“I don't know either. Siguro kapag nag sawa na si Cyrus sa akin.., at marealize niya ang mga bagay bagay. Kapag may iba na siyang pinagkakaabalahang babae at hindi na ako. Or pwede rin kapag naman may totoo nang nagpapadala ng chocolate at flowers.”
Confirmed…. Siya rin pala ang nagpapadala ng mga bulaklak at tsokolate sa bahay… dahil sa akin… para tumigil na ako… ayaw niya talaga sa akin.
“Well, I think, malapit mo ng tigilan yan… mukhang may totoo ng manliligaw sa'yo…” sabi ni tita Mildred at humagikgik sila pareho. Napatingin ako sa counter, nandun si Adonis, nakangiti na parang alam nitong siya ang pinaguuung dalawang gurang.
Naiinis ako. Napakuyom ang mga kamao ko sa inis. Gusto kong tumayo at suntuk suntukin ang Adonis na yun. Pero kailangan kong pigilan ang sarili ko.
Should I confront Via now? As in ngayon na? O itatago ko lang sa puso ko ang nalaman ko?
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER…