Amber Alejandra

1337 Words
☯??????? ?????? #3☯ ? AMBER ALEJANDRA? Chapter 1 Tatlong taon na ako dito sa England. Hindi ko parin maiwasan ma ikumpara ang Pinas. Iba talaga ang saya kapag nasa sa sarili bansa sabi nga nila “ Its more fun in the Philippines” sa makalawa na ang balik ko pauwi nang pinas. Halos gusto kuna hilahin ang orasan. Umupo ako sa metalic na upuan na pininturahan nang puti. Nilapat ko ang aking likuran sa sandalan nang upuan. Napatingala ako sa kawalan bigla kung naalala ang tatlo kong mga kaibigan. Si Avvy na laging nagpunta nang bar pero hindi naman nalalasing. Si Louella nasa mansion walang ginagawa kundi ang tumakas pero hindi naman naka takas. Si Shakira nasa Japan laging busy pero hindi ko alam anong pinag kaabalahan nang babae iyon. Ako naman ang ipang apat nilang kaibigan ang santitang mabait. Liberated pero palaban. “ Hays!” napabuntong hininga nalamang ako kapag naalala ko sila. “ Kumusta na kaya sina Avvy, Shakira at Louella? na mimiss ko din sila” Gusto ko sanang tawagan pero wala akong load” “ Amber!” napaigtad ako sa pagtawag nang aking tita, hindi ko namalayan nakalapit na pala siya sa akin. “ Bakit po?” “ What you gonna do?” tanong niya na hindi ko alam kung ano talaga ang punto nang tanong niya. Panay kasi siya english kahit hirap na hirap na gusto niya din kasi maging britania para paris nang kanyang asawang briton. “ What you gonna do with that dessert” natatawa kung sabi sa kanya. “ Tigilan mo nga ako sa kalukuhan mo riyan Amber” angil niya sa akin seryuso kasi siya na pagkatao. Hindi uso sa kanya ang joke kaya madali siyang tumanda. “ Ano ang gagawin mo pagka uwi mo sa inyo? sa makalawa kana uuwi” “ Well tita I am very excited, sa subrang lungkot dito sa uk na mimiss ko talaga ang pinas” “ Ano ang gagawin mo pagka uwi mo?” seryuso nitong tanong “ Magtatrabaho tita sympre nang magka pera ako” “ Good,sana hindi kana gumawa nang skandalo” sabi niya Napatayo ako mula sa pagka upo. “ Ilang beses ko bang sabihin tita, wala akong ginawa na dawit lang ako sa mga kaibigan ko noon” paliwanag ko. “ May mali ka, bakit ka sumama sa mga kaibigan mo? alam mo naman ang ginagawa nila sumama ka parin” “ Walang mali sa akin tita I was just mixing with the wrong people. Kaya nga masaya ako nakilala ko sina Avvy, Shakira at si Louella dahil sa kanila nahanap ko ang tunay na kaibigan. “ Ewan ko sa iyo Amber, walang magnanakaw na umaamin” sabi niya at tinalikuran ako. Napasimangot akong padabog na umupo. “ Liberated lang ako tignan at gumalaw pero hindi naman ako ganon ka easy para bumigay agad” bulalas ko sa inis. Bigla kong naalala si TJ ang kababata ko magkasama kaming lumaki bago ako itinapon dito sa Uk Tj, short for Tysone James ” Na mimiss niya kaya ako? Nakalimutan na kaya nila ang skandalong iyon?” hindi ko maiwasan maitanong sa sarili Hindi ko tuloy maiwasan balikan ang aming nakaraan, nasa first year high school pa kami ni TJ nang lagi niya akung sunduin sa bahay papuntang paaralan. Flash back “ Amber ano ba matagal kapa ba riyan?” tanong ni TJ nang sunduin niya ako sa bahay namin papunta kaming paaralan. “ Ma-late na tayo e-kwentas mo nalang kaya yang salamin” alam na alam talaga ni Tj kung bakit lagi akong natatagalan sa pag aayos. “ Salamin salamin sabihin mo sa akin kung sino ang maganda?” sabi ko bago ko nilubayan ang salamin. “ Andiyan na TJ Smith!” nagtatakbo ako pababa nang hagdanan. “ Napaka aporado mo” angal ko sa kanya. “ Ano ba naman yang ayos mo? Ang ikli nang skirt mo, bakit hindi ka nag sout nang uniform?” “Sus, bayaan muna, isang kindat lang nang guard pasok na ako” nakabungisngis kung sabi sa kanya. “ May regalo pala ako sayo” sabay abot niya nang supot na kulay green. Galing naman ito sa palengke. “ Ano naman ito?” tanong kung tinignan ang laman. “Panty!?” bulalas ko nang makita ko ang limang paris nang panty. “ Tj Smith naman eh, sa dinami rami ba naman pwedi ibigay mo ito pa talaga!” “Para hindi muna gawin sampayan nang panty ang likuran nang ref namin.” natatawa niyang sabi Sinimangutan ko siya. Maypanahon kasi sumama ako sa kanila probensiya mag bakasyon. Kunti lang ang nadala kung panty tapos nagkataon na tag ulan. wala na akong masusuot kaya sinampay ko sa likod nang ref nila ang bagong laba kung panty, madali lang din matuyo kasi mainit ang likuran nang ref. “ Nag alala kasi ako sayo delikado kasi ang ginagawa mo. Kaya ayan binigyan kita nang panty nang hindi kana maubusan. Wag muna ulitin mag sampay sa likod nang ref dahil delikado” dagdag pa niya “ Upo tyong!” Binuklat ko ang hawak na panty kulay green din iyon may lace pa sa gitna. “ Oh, sha salamat. Dapat nilabhan mo muna bago mo binigay sa akin nang masout ko agad” “ Abay, abusada ka naman Amber, binilhan kita gawin mo pa akong taga laba.” angil niya napa kamot sa ulo. “ Nagbigay kana lang dapat nilubos muna. Hina mo” “ Hoy, ano hindi paba kayo aalis nahuhuli na kayo!” saway sa amin nang moma ko. “ Makaalis na nga” nag uunahan kaming nagtatakbo papunta sa paaralan. “ Amber shortcut tayo” sabi ni Tj sa akin at hinila ako papunta sa pader nang paaralan nang mga collage. Off limit kami roon pero doon kami lagi dumadaan kapag ma-le late na kami don kasi ang shortcut papunta sa paaralan namin dahil magkadikit ang pader. “ Hoy Amber kumilos kana” puna niya sa akin nasa ibabaw na siya nang pader. “ Masisira naman ang beauty ko nito” “ Sus, sira na ang beauty mo kaya umakyat kana” natatawa pa niyang sabi “ Itulak kita diyan” sabi ko at umakyat narin ako sa pader. Halos magka sabay kaming tumalon. Napa angat pa ang manggas nang skirt ko nang tumalon ako kaya kita ang puti kung panty. “ Amber isuot mo ang binili kong panty para sayo” natatawang sabi ni Tj nang masilipan ako. “ Bastos naman tong luko nato hindi pa naman nagtakip nang mata” angal ko sa kanya “ Ay sus, balat lang yan” natatawa niyang sabi at nagpatiuna naglakad pa punta sa kabilang pader. Nasa kalagitnaan na kami nang paaralan nang collage nang makita kami nang guwardiya. “ Hoy! mga luko talaga kayo, ang titigas nang ulo niyo pagbabarilin ko kayo” sigaw nang guwardiya. “ Amber takbo!” sigaw ni Tj sa akin “ Ikaw may kasalanan nito eh” mangiyakngiyak kong sabi habang nagtatakbo Narating namin ang kabilang dulo nang pader, mabilis akong umakyat hindi kuna inisip na busong buso na talaga ako kay Tj swerte siya nang mga panahon na iyon halos nakita na niya ang buo kung kaluluwa. Naramdaman ko pa ang mga kamay niyang humawak sa puwet ko at itinulak niya pataas ang puwet ko. Tumalon ako sa kabilang bakud. “ Whoo! Muntikan na tayo doon ah!” sabi niya nang makatalon narin. “ Nasira tuloy ang aura ko” naiinis kung sabi at naglakad papunta sa silid nang paaralan namin. Bago pa ako tuluyan nakapasok sa silid nakita ko ang crush kung si Matt” ang guwapo talaga! Hi Matt!” agad kung bati. Kasama niya ang syuta niyang si Diamod. “ Ano kaba Amber na una kapang mag hi” angil ni Tj nang marinig niya ako “ Baka magalit si Diamond sayo akalain niya nilalandi mo syuta niya” sabi pa ni Tj “ Sus, parang hi lang magagalit siya? Halikan ko pa yang boyfriend niya” sabi kong nagpatuloy sa paglakad papunta sa upuan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD