Amber Alejandra Episode 10

2114 Words
☯??????? ??????# 3☯ ? AMBER ALEJANDRA? Chapter 10 NAPAPIKIT ako ng halikan ako ni Tj sa noo. “ Mahal mo ba ako, dahil gus——“ “ Tyson James!” putol ni Christine sa itatanong ko sana kay Tj. Napalingon kami ni Tj sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Christine nakatayo sa likuran ko. Nakaramdam ako sa pagsulpot niya sinira niya ang moment namin dalawa ni Tj. “ Hanggang ngayon, tinawag ka niya sa buo mong pangalan? Ganon naba siya ka special sayo, para tawagin ka niya ng ganon?” may pagka irita sa boses ko nagtatanong kay Tj. I dont know why, but I really hate it when someone called Tyron James. “Gusto ko ako lang at wala ng iba pa” bulalas ko sa sarili “ Christine, bakit ka sumunod?” hindi kuna mapigil ang pagka inis sa kanya. Tinulungan akong itayo ni Tj. “ Bakit kayo nandito?” ani Christine na nilapitan kami. “ And why not? Ikaw ang may-ari ng ilog naito?” sarcastic kung tanong. “ Tj, bakit mo ako iniwan sa party? na hindi manlang nagpapaalam” baling niya kay Tj na hindi ako pinansin Hinawakan niya si Tj, sa braso. “Bakit? asawa kaba niya? Para kailangan niyang magpaalam sayo?” sabi kung humawak sa kabilang braso ni Tj. “ Hindi mo ba alam, na nong wala ka dit——“ “ That’s enough Christine!” bulyaw ni Tj kay Christine. Gusto kung malaman kung ano ang sasabihin ni Christine pero pinigilan ito ni Tj. Gustong gusto kung sumbatan si Tj sa hindi niya pag sipot ng party ko. Pero ayaw ko siyang sumbatan sa harapan ni Christine. “ I’m going home” naiinis kung sabi at naglakad pauwi. “ Ihahatid kita Amber” ani Tj sumunod sa akin “ No! Alam ko paano umuwi sa amin” pagalit kung sabi Nakita ko ang pag ngiti ni Christine. Saglit akong natigil at napag-isip” tatangapin mo bang talo ka?” tanong ko sa aking sarili. “ No, I am not going home without Tj. Kung may relation silang dalawa, then I am back para sirain ang relation iyon. Kukunin ko ang sa akin.” matigas kung sabi sa sarili at nilapitan si Tj. Walang pasabi sabi hinalikan ko siya sa labi. “ Hanggang ngayon matamis parin ang mga labi mo Tj. Walang pag babago” sabi ko nang pinakawalan ko ang labi niya. Nakangiti akong tinignan si Christine” bye, Christine have a nice evening. Tj’s lips is so tender and sweet” sabi ko sabay talikod sa kanila. Madilim ang kapaligiran habang naglalakad ako pauwi. “ Amber sumakay kana sa amin” ani Tj sa akin sakay ng kanyang motorsiklo. Naka angkas naman si Christine sa likuran niya. Tinignan ko sila” no, maglalakad lang ako para makapag exercise narin. Saka masarap maglakad sa ganito malamig ang simoy ng hangin. Parang nong dati lang nong kabataan natin” sabi ko kay Tj. Malakas ang loob kong hindi sasakay. Dahil alam kong hindi ako iiwan ni Tj sa ganong situation madilim ang daan papunta sa amin. Hindi ran gaano kalayo ang ilog mula sa bahay namin. Bumaba na si Tj sa motor at wala narin nagawa si Christine kundi ang bumaba. tinulak na ni Tj ang kanyang motor bike para lang makasabay sa akin ng paglakad na ikinatuwa ko naman. Kung gaano ako kasaya ay opposite naman si Christine. Mula sa mumunting liwanag ng buwan na aninag ko ang kanyang mukha galit na galit. Naririnig ko pa ang mayat maya niyang pag buntong hininga. Naglalaro sa isipan ko kung ano iyong gusto sabihin ni Christine sa akin at kung ano man iyon ay malalaman ko rin. Muli kung hinalikan si Tj sa labi ng matapat kami sa bahay. “ Bye my childhood friend” malambing kung sabi. Kinakapalan kuna ang aking mukha. Kahit wala akong kasigurohan kung mahal niya ba akong talaga bilang magiging nobya niya or mahal niya lang ako bilang kababata niya. humiga ako sa aking kama ng maka-akyat na ako. Tinatamad akong magpunta ng banyo. Gusto kung namnamin ang mga moment namin ni Tj kanina bago pa dumating si Christine. Ang akala ko noon ay hanggang kababata lang talaga kami ni Tj. Pero nong sinabi niya sa akin noon na mahal niya ako. Hindi pa iyon nag absorb sa utak ko. Dahil hanggang kababata lang talaga ang tingin ko sa kanya noon. At may iba din akong gusto. Pero nong natapon ako sa ibang bansa, labis ang pangulila ko kay Tj, at don ko na realized na mahal ko rin pala siya. Mahal ko siya hindi bilang kababata kundi gusto ko siya magiging akin. Ngayon nagkita kami uli lalo kung naramdaman ang pagmamahal ko para sa kanya. Saglit akong natigil sa pag-iisip ng sinabi niya “ mahal niya ako” iyon parin ba iyon? nong gabi naghihiwalay kami ng landas? o bilang kababata nalang iyon dahil si Christine na ang bago niyang mahal?” Napa buntong hininga ako sa isipin iyon. “ Hey, mambo, Hey Mambo!” tunog ng aking celphone ang umagaw sa aking attention. “ Sutil na ring tone!” bulalas ko at nilabas iyon mula sa aking bag. Napangiti ako ng makita ang number na ginamit ni Avvy noon. Pinindot ko ang answering button” Avvvvvy” pagtitili ko ng sagutin ko iyon. “ Ahmm” boses lalaki ang narinig ko. “ Avvy, nagpapalit kana ng boses lalaki?” kunot-noo kung tanong. “ This is Caleb” anang boses sa kabilang linya. Saglit akong nag-isip” parang narinig kuna ang pangalan iyon” Caleborate?” sabi ko “ W-what?” naguguluhan niyang tanong. Napangiti ako” Never mind. So what’s up?” tanong ko “ I called—-“ “ to say, I love you” natatawa kung dagdag. “ Now I see kung saan nakukuha ni Avvy ang kalukaretan nito” sabi nito sa kabilang linya. Napa seryuso ako ng marinig ang pangalan ni Avvy” Wait, are you Avvy?” saglit akong natigil gusto ko itanong Are you Avvy buyer?” pero nag isip ako baka mali. “ Tumawag ako para inbitahan ka sa party namin bukas ng gabi” sabi nito. “ A-anong party iyan?” kunot-noo kung tanong. “ You’ll see. Just be here tomorrow night” sabi nito saka pinutol ang linya. “ So iyon nga si Caleb” sa isip ko. Naalala ko si Louella” Omg! nakalimutan ko ibigay sa kanya ang regalo ng nandito siya sa bahay. Hinakot na lahat ng espasyo ng utak ko ni Tj kaya nakakalimutan kuna ang kaibigan ko. Tinawagan ko si Louella para tanungin kung nainbitahan ba siya ni Caleb, At sinabi niyang oo. Pansamantala kung nakalimutan si Tj, at na e-excite akong makitang muli ang mga kaibigan ko lalo na si Avvy. Tinignan ko ang box na may laman ng pasalubong para sa dalawa kung kaibigan. Napangiti ako sigurado akong mawiwindang ang mga iyon. NAKASILIP ako sa bahay nina Tj kinabukasan. Ganon nalang ang pagsimangot ko ng matanaw si Christine sa labas ng kanilang bahay nakaupo. “ Kailan pa kaya naging body guard si Christine kina Tj?” Muli akong humiga para alisin ang inis naramdaman ko para sa kanila. Maghapon akong nakatambay sa kuwarto na uunawaan naman ng mga magulang ko dahil gabi na ako umuwi ka gabi at mamaya naman aattend ako ng party ni Avvy. Iksaktong alas singko ng hapon umalis ako ng bahay, dala ko ang sasakyan ni papa. Marunong naman ako mag drive dahil naturaan ako ng tita ko nong nasa England pa ako. Hindi uso roon ang taxi at jeep kaya kailangan mo matoto mag maneho ng kotse. Pinarada ko ang kotse sa labas ng Mansion ng makarating ako. Binitbit ko ang regalo para sa kanila una kung hinanap si Louella. Natanaw ko siya kausap ang kanyang body guard parang may pinagtatalunan ang dalawa” Louella over here!” sigaw ko sa kanya. Patakbo siyang lumapit sa akin at nakasunod naman ang body guard niya. “ Inferness ang cute ng body guard mo” pabulong kung sabi sa kanya. Inirapan niya lang ako ng mata. Niyakap ko siya” I’m sorry if hindi kita na pansin sa party ko ha? Nakalimutan kita” nakangiti kung sabi sa kanya. “ Ganyan kana man eh, pinagpalit muna ako aky Tj” nakairap niyang sabi “haller!” sabi ko pinaikot ang aking eyeball “ Tj is the light of my life” “ And me?” tanong ni Louella “ wala! friend lang” natatawa kung sabi. “ May ibibigay pala ako sayo” sabi kung inabot ang maliit na paper bag. “ Ano ito? excited na ako” nakangiti niyang tanong. Naglakad kami palapit sa malaking puno.” tignan mo” sabi ko sa kanya bahagya kaming nagkubli sa malaking puno. Nakatayo nakatingin sa amin ang body guard niya sa di kalayuan. �Excited na binuksan ni Louella ang maliit na kahon.” Yucks, Amber! Nakakadiri ka!” tili niya ng makita ang mumunting regalo ko. Natatawa ako sa kanyang reaction at nilabas ang dalawang vibrator. “ Hoy, ano kaba, pangkiliti ito sa atin ui! Isukat mo ito saan ang kasya” natatawa kung sabi hawak ang maliit na kahoy na hulmang talong may nakatatak” Philippines ang isa naman ay may tatak na Uk. Kaya lang malaki iyon. “ Hanggang ngayon sira ulo ka parin” natatawang sabi ni Louella sa akin. “ Isukat mo kasi saan ang kasya” natatawa kung sabi itinaas kopa iyon. “ Ibaba mo nga iyan baka may makakita pa niyan eh” natatawa niyang puna “ Pwedi mo itong gawin earrings” saka nilapit sa magkabilaang tainga niya. “ Amber, lukaluka ka talaga” saway niya sa akin. “ Akin nanga lang iyan” sabi ko pinasok iyon sa bag ko. “ Ito talaga ang para sayo” inabot ko ang isang paper bag na may lamang blouse at cap na may tatak England. “ Thank you rito” nakangiti niyang pasalamat. Narinig namin ang nagsasalita mula sa garden ng Mansion napa takbo kami roon magsisimula ng ang party. Mula sa di kalayuan natanaw ko si Avvy sa ibabaw ng stage katabi niya ang guwapong lalaki. “ Avvy!” bulalas ko na kahit hindi niya ako narinig. Kinawayan ko siya Excited na ako malapitan si Avvy. Natigilan ako ng magsalita si Caleb at sinabi niyang Fiancée niya si Avvy. “ Paanong nangyari iyon? Akala ko ba bininta siya? Paano ikakasal silang dalawa? naguguluhan kong tanong sa sarili. Matapos magsalita si Caleb bumaba si Avvy ng stage at sabay kaming napatakbo ni Louella palapit sa kaibigan at niyakap si Avvy. “ Tsk! Get the F**k!* Amber, para kayong mga bata. “ As in wow Avvy ha, sarap mo hampasin sa noo! hindi mo ako namimiss kakauwi ko lang” inikutan lang ako ng mata ng malditang Avvy Maria ito. Napalingon ako kay Caleb na kikipag kwentuhan sa ibang bisita. “ Ang guwapo ng Caleb mo Avvy” Napalingon ako sa waiter may bitbit na tray at may dalawang bote ng wine ang nakapatong. kinuha ko ang wine. “ This is the best party ever” bulalas ko sa tuwa. “ Sayang naman si Shakira, nasan na kaya ang isang iyon” sabi ko sa nagtatampong boses. “ busy iyon wag kana mag taka” tugon ni Louella. Nag-cheerrs kaming tatlo at sabay kaming napalingon sa papalapit na si Caleb. Nagkatinginan kami nina Avvy at Louella nangungusap ang aming mga mata. “ Run!” ani Avvy sabay sabay kaming nagtatakbong tatlo papunta sa loob ng Mansion at nagtuloy sa kuwarto ni Avvy. “ Bitbit mo parin iyan?” baling sa akin ni Avvy ng makita niya ang hawak kong bote ng wine. “ Makalimutan kuna kayo, wag lang itong wine” natatawa kong biro at kinuha ni Avvy ang isang bote ng wine. “ May regalo ako saiyo” sabi kung inabot ang bitbit kung paper bag. Natatawa naman humiga sa kama si Louella na parang may tama na ang babaeng ito. “Louella are you okay?” tanong ko sa kanya. Natatawa ang gaga sa tanong ko” dumadami kayo” “ Ikaw din dumadami ka, pati si Avvy, dumadami narin” natatawa kung sabi at tinungga ang bote ng wine. Natigilan kami ng biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto ni Avvy at pumasok si Caleb kasama niya si Tj at ang isang lalaki. “ Omg the three hunks is here. What are you guys doing here?” natatawa kung sabi bitbit parin ang bote ng wine. “Amber, lets go! Lasing kana” ani Tj sa akin at binuhat niya ako. “ Woooooo! The best feeling ever!” natatawa kung sigaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD