Chapter 16- Ody's Offer

3367 Words
Chapter 16- Ody’s offer Split Intentions to Love Conflicts Mabilis ang pagpapatakbo ni Ody sa ducatti motorbike na dala niya, dahil mainit ang ulo niya dahil sa pagtanggi ni Nastia sa kaniya ay mas binibilisan niya ang pagpapatakbo nito. Ito ang unang beses nan a attract si Ody sa isang babae, may mga naging ka flirt man siya noong may panahon na nagtagal siya sa katawan ni Maki ay tinuring niya lang ang mga ito na pampalipas oras, pero alam ni Ody na hindi ganun ang tingin niya kay Nastia. Masyadong nakuha ng pagiging matapang at palaban ni Nastia ang atensyon ni Ody, kahit alam niyang banta ito sa kaniya para hindi siya makalabas ay hindi niya mapigilang pagka-interesan ito. Si Nastia lang ang may kayang tumitig sa kaniyang mga mata, si Nastia lang ang kayang sumagot-sagot sa kaniya at pagbantaan siya, at si Nastia lang din ang kauna-unahang babaeng nakasampal sa kaniya at hindi natatakot sa presensay niya. Badtrip at hindi matanggap ni Ody na kahit sa babaeng pumukaw sa kaniya ay magiging kaagaw niya si Maki, kaya mas lalong nagkakaroon ng kagustuhan si Ody na manatili at si Maki ang mawala sa kanilang dalawa. Pero alam niyang mas mahihirapan siyang makuha si Nastia kung gagawin niya na ang dapat na plano niya ngayong siya ang nasa katawan ni Maki ngayon, kaya pumasok sa isipan ni Ody na kukuhanin niya muna ang loob ni Nastia at pag hulog na ito tsaka niya tuluyang aalisin ang existence ni Maki. Alam niya na sa oras na mahulog si Nastia sa kaniya ay madali ng alisin si Maki sa landas niya kahit pumigil pa sina Paxton sa kaniya. Magdidilim narin ng umalis si Ody sa bahay ni Nastia, pinatay niya din ang phone ni Maki dahil ayaw niyang kontakin siya nina Ruhk, dere-deretso lang ang mabilis na pagpapatakbo ni Ody sa motorbike niya na ipinalit niya gamit ang kotse ni Maki. Ilang oras na biyahe ay nakarating na rin siya sa lugar na matagal-tagal na rin niyang hindi napuntahan, agad siyang pumasok sa isang eskenita na dalawang malaking building ang nasa magkabilang pagitan niya, itinigil ni Ody ang motorbike at agad na bumaba. May isang malaki at itim na gate sa pinaka dulo ng eskinita na deretsong pinuntahan ni Ody, nang makarating na siya sa mataas na itim na gate ay agad siyang kumatok dito at miya-miya lang ang nagbukas ang isang maliit na peep hole at may matang sumilip doon. “Sino ka?” matapang na tanong nito na poker face na ikinatitig ni Ody dito. “Don’t you f*cking know me?” “Hindi, alam mo bang bawal dito ang mga kagaya mo. Mamatay ka lang kaya umalis ka na hangga’t maaga pa, mali ka ng bahay na kinatok.”pahayag nito bago sinarhan ang peep hole ng gate na ngising ikinainis ni Ody dahil dinadagdagan ng bantay ng gate ang pagka badtrip niya. Sa tingin niya ay bago ‘to at hindi siya kilala dahil alam niyang papapasukin siya nito kung kilala siya nito bilang boss nila, nagpigil muna ng inis si Ody at muling kumatok sa gate na ikinabukas muli ng peep hole. “Sinabi ng umalis ka na dito, alam mo ba ang kinakatok mo? Mamatay ka dito kaya umalis ka na.”taboy nito sa kaniya na nagpamulsang ikinatayo ni Ody ng maayos. “Tawagin mo Diego, kilala niya ako.”sambit ni Ody na ikinakunot ng noo ng bantay habang nakatingin sa kaniya. “Tatawagin mo ba o gusto mong ikaw ang mamatay ng maaga?”mapanganib na banta ni Ody dito na ikinasara nito sa peep hole. Inis na napaingos si Ody at tumalikod sa gate habang hinihintay ang paglabas ng pinagkakatiwalaan niyang kanang kamay ng negosyo niya na alam niyang kahit matagal siyang nawala ay inaalagaan nito ang negosyo niya. Dahil matagal na panahon din si Ody noon na nanatili sa katawan ni Maki ay nakapagtayo siya ng sarili niyang illegal na negosyo na siya ang boss, nag-umpisa siya sa maliit hanggang sa maging malaki ang negosyo niya at nagkaroon siya ng maraming tauhan. Ang negosyo niya ay nagsu-supply siya ng mga bawal na gamot, shabu at m*******a sa mga foreign buyers niya, tumutulong din siya sa pag-eexport ng mga babae na binibili ng mga foreigners na pinangungunahan ni Lucifer. Iba ang negosyong tinayo ni Ody sa negosyong itinayo ni Maki, kaya doon palang alam niyang hindi pwedeng dalawa silang manatili sa iisang katawan, pero dahil kailangan niyang makuha niya si Nastia ay paiikutin muna ni Ody sa mgakamay niya si Maki hanggang sa ito na ang kusang sumuko. Ilang minuto pa ang lumipas ng magbukas ang itim na gate ng akmang lilingon si Ody ng matigilan siya ng maramdaman niya ang dulo ng baril na lumapat sa ulunan niya. “Do you know what place you are in right now? But if you knew, we’re not looking for new member so better leave before you became lifeless.”sambit ng isang boses ng lalaking kilalang-kilala kahit matagal niya na itong nakita. “Before you pull the trigger Diego, you will end lifeless here and not me.”ngising pahayag niya dito. “You know me?”takang tanong nito na dahan-dahang ikinalingon ni Ody dito na unti-unting ikinalaki ng mga mata nito ng makilala siya na agad nitong ikinababa sa pagkakatutok ng baril sa kaniya at agad yumuko sa harapan niya na ikinakunot ng noo ng bantay ng gate dahil sa ginawa nito. “Boss! Your back!”bulaslas nito na ikinalaki ng mga mata ng bantay ng gate dahil hindi niya inakala na boss nila ang tinataboy niya dahil hindi niya naman ito nakita ng magtrabaho siya sa lugar na ‘yun. “Tss! Matagal lang akong nawala Diego pero ayaw mo na akong papasukin sa sarili kong terirtoryo.”seryosong pahayag ni Ody na agad ikinatunghay nito na may despensang reaksyon sa mukha nito. “P-patawad Boss, nakatalikod kasi kayo kaya hindi ko agad kayo nakilala.”despensa nito na ikinaungos ni Ody dito. “Paano ako haharap kung tinutukan moa gad ako ng baril? Aish, badtrip ako pero huwag mong dagdagan.”singhal ni Ody na akmang papasok sa loob ng balingan niya ng tingin ang bantay ng gate na kinakabahang nakatingin sa kaniya. “Bago ka ba dito?”tanong ni Ody na agad nitong ikinatango. “O-opo boss! Patawad po sa asal ko kanina, hindi ko po talaga alam na kayo si Boss Ody.”natatakot na paumanhin nito na ikinatapik ni Ody sa balikat nito. “Palalagpasin ko ang ginawa mo kanina, pero that’s the attitude I want.”pahayag ni Ody na ikinapasok na nito sa loob na agad sinundan ni Diego na kanang kamay niya. “B-boss mabuti at nakabalik na kayo, ang tagal niyo din pong nawala.”pahayag nito na sinensenyasan ang mga tauhan na nadadaanan nilang batiin si Ody na ginagawa naman ng mga ito. Ang iba ay natatandaan pa si Ody kaya kusang yumuyuko at bumabati ito sa pagdating niya. “Bawal ba ako magbakasyon?”singhal ni Ody na agad ikinailing ni Diego. “Syempre pwede kayong magbakasyon Boss, wala lang kayong abiso na babalik na kayo.” “Kamusta ang mga negosyo, ang mga transaction? Nakiki-agaw parin ba si Mr. Huang sa atin sa mga foreign clients natin?”tanong ni Ody na ikinasabay ng lakad ni Diego sa kaniya habang deretso lang silang naglalakad papunta sa opisina ni Ody. “Nananahimik naman sila boss sa huling banta na binigay mo, hindi na sila nakikipag-agawan sa atin dahil alam niyang mahirap kang kaagaw. Tungkol naman sa negosyo natin boss, smooth pa din ang transaction at walang pulis na nakakatambang sa mga palitan at bentahan ng mga shabu natin. Hinahanap kayo ni Lucifer pero sinabi namin na matagal-tagal din kayong hindi nabisita sa planta at dito sa hide out natin.”sagot na pagbabalita ni Diego na ikinatango ni Ody. “Ako nang bahalang tumawag kay Lucifer, I know he needs our assistance in his business. Do we have bigger shipment?” “Kakatapos lang ng isang malaking shipment natin sa Massachusett noong nakaraang buwan lang boss at naging successful naman ‘yun. Nasa bank account niyo na po ang kinita natin sa shipment na ‘yun, ngayon po sa susunod na buwan ay may shipment po tayo na mangyayari sa China po, maliban dun wala na po. Maayos naman ang planta kung ‘yun ang sunod niyong tatanungin boss.”sagot ni Diego. Nang makarating sila sa opisina ni Ody ay deretso siyang umupo sa upuan niya at itinaas ang dalawang paa niya sa lamesa habang nakatayo sa unahan si Diego. “M-may kailangan ka pa ba boss?” “Dalhan mo ko ng kape, ayusin moa ng timpla dahil pag hindi ko ‘yun nagustuhan itatapon ko ‘yun sa mukha mo.” “Aayusin ko ang timpla boss, ayaw mo ng matamis ayaw mo ng matabang, tanda ko pa ang kapeng gusto mo.”pahayag ni Diego bago mabilis na lumabas ng opisina ni Ody na ikinababa nito sa kaniyang paanan sa mesa at ipinatong ang kaniyang siko sa lamesa ng bumalik sa isipan nito ang pagtanggi ni Nastia sa kaniya. “I won’t f*cking accept this! Hindi siya pwedeng mag-aalala kay Maki! Hindi pwedeng may kaagaw ako babaeng ‘yu—“ “Boss gusto mo ba ang kape mo may crea…mer?” Hindi natuloy ni Ody ang pagrereklamo niya sa kaniyang sarili ng bumalik si Diego at naabutan siyang nakataas ang kanang kamay at nakakuyom ang kamao na ikinatango nito sa kaniya. “S-sabi ko nga po ayaw niyo ng may creamer.”sambit nito na agad sinara ang pinto na ikinadampot ni Ody sa isang ng mga ballpen at agad iyong ibinato sa kakasara lang na pinto. “Subukan mong bumalik Diego, kutsilyo na ang itatapon ko sayo!”sigaw na singhal ni Ody dito na rinig niyang ikinahingi ng paumanhin nito mula sa labas ng opisina niya. “Bwisit! Akala ko mawawala ang inis ko pag dinalaw ko ang negosyo ko pero lalo lang ako nabubwisit. Minsan lang ako magka interest sa isang babae, hindi pwedeng hindi ko siya makuha. Damn! Mukhang mauudlot sandali ang mga plano ko.”pahayag ni Ody na ikinasandal niya sa kinauupuna niya ng bigla niyang maramdaman na parang bumibigat ang dibdib niya na mahina niyang ikinamura. “Damn it! Mukhang gising na ang isang ‘yun, I hate to f*cking go back to that dark place but I need to. Now that I can stole his time, I can go out whenever I want. But I will not go back without giving him a warning.”sambit ni Ody na pinilit niya munang makapag-iwan ng mensahe kay Maki. Miya-miya ay mas bumigat ang dibdib niya kaya at kahit talukap ng mga mata niya ay bumibigat narin kaya napasandal si Ody sa kinauupuan niya at pumikit. Ilang minuto ang lumipas ng unti-unting itong nagbukas ng mga mata na ikinailang kurap nito bago gulat na napatayo at napaikot ang paningin niya sa lugar na hindi niya alam kung nasaan siya. Sa mga oras na ‘yun ay nakabalik na si Maki sa kaniyang katawan at wala siyang matandaan sa mga nangyari at hindi niya alam kung nasaan siya. “Damn! Nasaan ako?” naguguluhang tanong ni Maki sa kaniyang sarili na pilit niyang tinandaan ang mga nangyari at ang huling natatandaan niya lang ay biglang nagblack out ang lahat at para siyang nawalan ng malay pero pakiramdam niya ay lumulubog siya sa isang tubig pero hindi niya magawang makagalaw. Nagising nalang siya na sa ibang lugar na at wala sa kaniyang kumpanya at wala si Cathy sa harapan niya. Inilibot ni Maki ang tingin niya sa buong kwarto na kinalalagyan niya purong itim ang pintura nito na kahita sofa sa loob nito ay kung hindi ay dark gray ang nakikita niya. Napakunot ang noo ni Maki na dahan-dahang naglakad sa isang salamin na nakadikit sa may pader na ikinalaki ng mga mata niya ng makita ang itsura niya. “T-tangna? B-bakit ganito itsura ko?” di makapaniwalang tanong ni Maki sa kaniyang sarili ng bahagya siyang magulat ng magbukas ang pintuan at pumasok doon ang isang lalaking di niya kilala na may dalang isang tasa na may kape na napalingon sa kaniya. “E-eto na kape mo Boss, walang creamer ‘to at hindi matamis hindi rin matabang.”pahayag nito sa kaniya na ikinakunot ng noo ni Maki dito dahil wala siyang clue kung nasaan siya o kung anong nangyayari kung nakalabas si Ody sa kaniya. “N-nasaan ako?” tanong ni Maki na kunot noong ikinatitig ng lalaki sa kaniya. “Sa opisina mo boss?” “O-opisina ko? Opisina ko ‘to?”tanong ni Maki na mas ikinakunot ng noo ng lalaki sa harapan niya. “O-okay lang boss? Opisina mo ‘to, kababalik mo lang dito. Wala kaming binabago sa opisina mo boss, kahit tiningnan mong mabuti.”pahayag nito na hindi agad ikina-imik ni Maki at nag-isip ng mabuti ng manlaki ang mmga mata niya ng maunawaan na niya kung nasaan siya. “Boss? Mukhang kailangan niyo na ng kape.”sambit ng kaharap niya na lihim na ikinamura ni Maki sa kaniyang sarili ng marealize niyang nasa teritoryo siya ni Ody. Ibig sabihin habang ito ang nasa katawan niya ay nagpunta ito sa illegal na negosyon itinayo nito. “Aalis na ako.”pahayag ni Maki na akmang aalis ng opisina ni Ody bago pa makahalata ang mga tauhan nito sa kaniya ng matigilan siya ng harangan siya ng lalaking tauhan ni Ody. “Aalis agad boss? Kababalik niyo lang aalis na agad kayo? Tsaka sabi niyo tatawagan niyo pa si Lucifer?”pahayag nito na wala namang clue si Maki sa mga sinasabi nito. “M-may nakalimutan akong gawin kaya aalis ulit ako, ikaw na ang tumawag kay Lucifer.”pagkukunwaring tanong ni Maki na inalis ang tauhan ni Ody sa pagkakaharang sa kaniya at nagsimula na siyang lumabas ng opisina niya at tahakin ang sa tingin niya ay hide out ni Ody sa negosyo nito. Hindi niya naiwasan na ilibot ang paningin niya sa hide out ni Ody, marami siyang nakikitang tauhan nito na sa tingin niya ay abala sa mga trabaho nito na ikinabilis ni Maki sa paglalakad niya. “Boss! Alam mong hindi kakausap si Lucifer ng kahit sinong tauhan mo maliban sayo, bakit hindi mo muna siya tawa---“ “Binibigyan kita ng permiso na kausapin siya, ikaw na ang bahala okey?”pagtangging putol ni Maki dahil hindi naman niya kilala ang tinutukoy nito at ayaw niyang mabuko na hindi siya ang boss nila. Mabilis ang paglalakad na ginawa ni Maki ng makarating na siya sa malaking gate habang nakasunod parin sa kaniya ang tauhan ni Ody, agad siyang pinagbuksan ng pintuan ng bantay ng gate at ng makalabas siya ay natigilan si Maki ng hindi niya makita ang kotse niya na ikinakunot ng noo niya. “Nasaan ang kotse ko?”tanong niya sa kaniyang sarili ng kapain niya ang bulsa ng suot niyang leather jacket at matigilan siya ng may makapa siyang susi doon na agad niyang inilabas at ng pindutin niya ang red button sa mga susian ay biglang umilaw ang isang ducatti motorbike na ikinatunganga ni Maki dito. “Kailan kayo babalik boss? Sa susunod na buwan ang shipment natin sa China.”paalalang pahayag ng tauhan ni Ody sa kaniya na hindi niya pinansin at deretso niyang nilapitan ang motorbike na alam niyang hindi kaniya. “Sh*t! Ito ba ang ginamit niya papunta dito? Tangna nasaan ang kotse ko?”naguguluhang tanong ni Maki habang nakatingin sa motorbike na hindi naman kaniya. Pero dahil sa gusto niya ng makauwi sa bahay ni Paxton at ikwento ang nangyari aay agad na siyang sumakay sa motorbike at pinaandar ‘yun at mabilis na umalis at hindi na pinansin ang patawag sa kaniya ng tauhan ni Ody. Wala siyang kaalam-alam sa mga nangyari after niyang mawalan ng malay at pumalit si Ody sa kaniya, nag-aalala lang siya ngayon dahil tanda niyang sa harapan ni Cathy nakipagpalit si Ody sa kaniya. Gusto niyang tingnan kung walang ginawa si Ody dito pero naisip niya na bukas niya nalang kakausapin si Nastia dahil kailangan niyang makauwi kina Paxton at sabihan ito sa mga nakita niya. Ilang oras na biyahe dahil bahagya pa siyang naligaw dahil hindi siya pamilyar sa lugar na pinuntahan ni Ody ay nakarating na rin siya sa bahay ni Paxton, pagkatigil niya sa motorbike ay agad siyang bumaba dito ay mabilis na patakbong pumasok sa bahay nina Paxton ng matigilan siya ng makita niyang sa sala si Trace at Bliss na sa pagkakaalam niya ay dapat ay nasa honeymoon ang dalawa. Nakatingin sa kaniya sina Ruhk na dahan-dahan niyang ikinalakad papunta sa mga ito. “What are you wearing Laocheko? Para kang gagong bad boy sa itsura mo, anong trip mo sa buhay at ganiyan ang itsura mo?”Punang sita ni Paxton sa kaniya “Bagay sayo ang get up mo ngayon Mak---Paxton!” angal na sambit ni Irish ng hindi niya natuloy anag sasabihin niya ng takpan ni Paxton ang mga mata niya. “Ang hirap sa mga mata mo wife laging namumuri eh!”sita ni Paxton na ikinaalis ni Irish sa kamay ni Paxton na nakatakip sa kaniya. “Ang bad mo, pupuri lang eh.” “Your get up is sore in my eyes Laochecko, f*cking change stupid.”sita ni Verchez sa kaniya na ikinasimangot niya dito. “Nakakahiya naman sa pormahan mo Verchez, sipain kita diyan eh.”singhal ni Maki na ngiting nilingon sina Bliss. “Bakit ang bilis ng uw niyo galing honey---“ hindi natuloy ni Maki ang tanong niya sa mag-asawa ng makatanggap siya ng pambabato ng unan mula kay Ruhk na ikinasama niya ng tingin dito. “Problema mong Ruhk palaboy ka?”singhal niya kay Ruhk na sinenyasan siyang tumaas na na ikinaungos niya dito. “Makautos ‘to ah?”sambit pa niya na ikinalakad niya na pataas sa hagdanan papunta sa kwarto nila ni Ruhk upang makapagpalit na ito ng damit na suot niya na alam niyang si Ody ang nagpalit ng suot niyang damit niya kanina. Pagkapasok ni Maki sa kwarto ay agad niyang hinubad ang leather jacket ni Ody at hinagis sa kama, tinanggal niya na din ang sinturon ng pants niya ng makapa niya ang cellphone niya na agad niyang kinuha ng mabuksan niya ito ng hindi niya sinasadya at may magplay na video kung saan nakikita niya ang sarili niyang nakangisi doon na ikinatitig niya dito. Sarili niya ang nakikita niya pero alam niyang si Ody ang nasa video na napapanuod niya ngayon. “If you found this f*cking video in your phone, that’s good. I know iniisip mo kung paano ako nakipagpalit sayo ng walang nakakapag trigger sayo, well I think I can stole your time and body now. Don’t worry, may kaunting pagbabago sa plano ko. Pumapayag na ako na makihati sa katawan mo, you can stay and I can stay. Parehas tayong makikinabang, I won’t be threat in your existence from now on but in one f*cking condition. Don’t you ever f*cking fall in love with Livy, I am interested with her and I want her to be my woman. If you try to take her, then I’ll continue to devour you and exile your existence Maki. It’s my good offer to you, right?” Hindi alam ni Maki ang irereak niya sa video ni Ody na iniwan sa cellphone niya ng ilapit nito ang mukha nito sa screen at ngumisi sa kaniya. “You entered my territory, so make this secret between us. Don’t you ever tell this to Ignacio or you won’t like what will I do if you open your f*cking mouth. Till next time, Maki.” Agad ng tumigil ang video na pinapanuod niya at hindi makapaniwala si Maki sa offer ni Ody sa kaniya lalo na sa banta nito sa kaniya tungkol kay Nastia. Hindi niya lubos maisip na ang ikalawang persona niya ay biglang nagka interest kay Nastia at gusto itong angkinin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD